^

PSN Showbiz

AiAi nakalipat na sa bagong ‘mansiyon’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wala na sigurong mahihiling pa ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas dahil sa sunud-sunod na biyaya na dumarating sa kanya.

Kamakailan lamang ay muling lumagda si AiAi ng panibagong kontrata sa Kapuso Network at nakasaad sa kanyang bagong kontrata ang isang bagyong serye at weekly sitcom na muli nilang pagsasamahan ni Vic Bossing Sotto. Nariyan pa ang kanyang lingguhang comedy-musical show na Sunday PinaSaya.

By this time ay malamang nakalipat na si AiAi and her family sa bago niyang ipinatayong bahay in Quezon City. May bago rin siyang restaurant na bubuksan kasama ang panganay niyang anak na si Sancho. Handang-handa na rin ang kanilang December 12, 2017 church wedding ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan at wala rin siyang problema sa kanyang tatlong anak na sina Sancho, Nicolo, at Sophia.

May tinapos din siyang movie sa Cineko Productions, ang Bes and the Beshies na idinirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Ricky Lee at may gagawin din siyang movie sa Regal Films at Star Cinema.

Jennica at Alwyn hindi pinaglalaro ng mamahalin ang anak

Enjoy ang panganay na anak ng aktres na si Jean Garcia na si Jennica Garcia sa kanyang pagiging full-time mom to her and husband Alwyn Uytingco’s two-year-old daughter na si Athena Mori. Very hands-on parents kay Athena Mori ang mag-asawa at hindi rin nila pinalalaki ang kanilang anak sa gadget at maging sa mga mamahaling plastic and battery-operated toys.

Although pareho silang artista, may oras sila sa kanilang anak na kanilang sinasanay sa family values.

Si Athena Mori ang kauna-unahang apo ng aktres na si Jean Garcia at actor na si Jigo Garcia.

Derek never daw iiwan ang TV5

Nagsilipatan na sa ibang TV network (most sa ABS-CBN) ang karamihan sa mga talent ng TV5 pero nananatiling loyal sa Kapatid Network ang model-actor-TV host na si Derek Ramsay na mukhang siya na lamang ang natitira.

Sa presscon ng Amo, isang 12-episode mini-series na pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza, inamin ni Derek na mananatili umano siyang loyal sa TV5 for as long as kailangan siya ng TV network.

Ang Amo ay matutunghayan simula sa August 30, Sunday, 9:30 p.m. sa TV5.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with