^

PSN Showbiz

Takot ‘di makabuo Derek nagmamadali nang magkaanak sa GF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Kris nangako ng balato sa dating manager na si Lolit Solis!

PIK: Na-appreciate nang husto ng mga executive ng TV5 ang loyalty ni Derek Ramsay dahil kahit may ilang offers sa aktor, nanatili siyang nasa Kapatid network at nag-renew pa nga ito ng tatlo pang taon.

Sabi ni TV5 president Chot Reyes, nakikita nilang mas naka-focus sila sa sports at panlalaki ang market ng Kapatid network, at bagay na bagay nga raw si Derek sa kanilang istasyon.

“Fit na fit kasi sa positioning namin eh as a network. So, I think it’s a perfect match and we are appreciative of his loyalty, the fact that he wants to stay, malaking bagay ‘yun sa amin eh,” pahayag ni Mr. Chot Reyes.

Natutuwa pa raw sila dahil lahat na ibinibigay nilang project kay Derek ay tinatanggap nito. Kagaya nitong nalalapit na seryeng Amo na idinirek ni Brillante Mendoza, okay lang sa kanyang hindi siya bida, dahil ang lumalabas na bida rito ay ang baguhang aktor na si Vince Rillon.

Gustung-gusto ni Derek ang role bilang pulis at malaking karangalan sa kanya na naidirek siya ni direk Brillante Mendoza.

Sa August 20 ng 9:30 ng gabi na magsisimula ang seryeng Amo na ipinagmamalaki ni Derek.

PAK: Gustung-gusto na pala ni Derek Ramsay na magka-baby sa girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Dalawang taon na ang kanilang relasyon at kung si Derek ang tatanungin, gusto na niyang mag-settle down kapag handa na si Joanne.

“My mind is set na yun na. Not looking other women. I’m not looking at anything else, my mind is set na she is the one,” pahayag ni Derek sa presscon ng Amo.

Gusto na raw niya magka-baby dahil natatakot siyang baka hindi na siya capable na magka-baby dahil sa rami niyang injury sa mga laro.

Medyo napa-praning na raw siya dahil sa rami ng ginagawa niya at baka naapektuhan ang kapasidad niyang makabuntis.

“It just enters my head, sa dami kong injuries.

“Mr. Boy Praning din ako eh.

“Siyempre, hindi porke’t lumalabas, lumalangoy ha?” natatawa niyang pahayag.

BOOM: Hopia na si Manay Lolit Solis sa pangako ni Kris Aquino na kapag matanggap daw niya ang mga tseke sa collectibles bago matapos ang buwang ito ay babalatuhan siya nito.

Ipinagtanggol ni Kris ang dating manager sa nag-bash dahil hindi pa rin daw niya makalimutan ang panahong kailangan niya lalo noong ipinagbubuntis niya si Joshua.

Nag-text pa sa akin si Kris na gustong iparating kay Nay Lolit na tingin niya ay gusto lang ng basher na lumikha ng gulo dahil raw na-offend sa mga ipinost ni Nay Lolit sa kanyang Instagram account.

Kaya gustong ipaalam ni Kris sa itinuturing pa ring nanay-nanayan na gusto pa niyang maging friends sila.

Ipinarating din ni Manay Lolit sa kanya na wala sa kanya ang pamba-bash. Mas concerned daw siya sa ipinangakong allowance ni Kris na kahit weekly lang.

Sagot naman agad si Kris na kapag natanggap niya ang mga tseke mula sa San Miguel kay Boss RSA niya na si Ramon Ang ang tinutukoy ay magbibigay siya ng balato. Baka end of the month niya raw matanggap ito.

Tuwang-tuwa naman ang talent manager/TV host dahil nakakahar­bat na siya uli kay Kris na puring-puri pa niyang kahit walang trabaho ay marami pa ring kadatungan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with