^

PSN Showbiz

Teenager pa rin ang pakiramdam, Sarah hindi pa handang maging misis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahigit tatlong taon nang magkasintahan sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Parehong nasa tamang gulang na rin ang dalawa kaya maaari nang magpakasal ang magkasintahan.

Ayon kay Sarah ay sumasagi na raw sa kanyang isipan ang paglagay nila sa tahimik ng aktor. “Iyon totoo po, gusto kong isipin na handa na ako pero hindi pa. Gusto ko, pero hindi pa,” pagtatapat ni Sarah.

Nais daw munang maging  karapat-dapat na maging asawa ng Popstar Princess para kay Matteo. “I don’t want to be selfish sa partner ko. Kasi hindi ba, para mahanap mo ang ‘Mr. Right’ mo, kailangan maging ‘Ms. Right’ ka muna. I can’t wait to spend the rest of my life loving you and sana maging patient ka sa akin. Kasi late-bloomer talaga ako,” paliwanag ng dalaga.

Noong Martes ay nagdiwang si Sarah ng kanyang ika-dalawampu’t siyam na kaarawan. Pakiramdam daw ng dalaga ay teenager pa rin siya hanggang ngayon. “Kahit na 29 (years old) na ako, parang nasa early 20’s or parang teenager pa nga rin yata. So sana ikaw ‘yung sobrang lawak ng pag-iintindi mo, pagpapasensya mo, at ng pagmamahal mo sa akin,” mensahe ni Sarah kay Matteo.

Coco maraming bilin kay Mariel!

Nakapagsimula nang mag-shooting si Mariel de Leon bilang leading lady ni Coco Martin para sa pelikulang Ang Panday. Isa ito sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).                         

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Mariel ang paggawa ng isang pelikula. Kakaibang karanasan daw para sa anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong ang pag-arte sa harap ng kamera. “It was fun. Coco was really nice to work with. He’s really down to earth,” nakangiting bungad ni Mariel.

Noong unang araw ng shooting ng beauty queen ay agad daw siyang kinausap ni Coco at may ilang mga bagay na ibinilin kay Mariel. “He told me na he will take care of me kasi he told naman my parents na he will take care of me. So I trust him with that,” pagbabahagi ng baguhang aktres.

Umaasa rin ang Binibining Pilipinas-International 2017 na susuportahan siya ng mga manonood sa kanyang kauna-unahang proyekto. “Sana no hate comments na. Sana they just support us na lang,” pagtatapos ng dalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with