^

PSN Showbiz

AJ hindi lang sa aksyon sumabak, umaatikabo rin ang love scene kay Phoebe!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung totoo man ang tsika na may kinalaman ang kuya niyang si Aga Muhlach sa pagkakaroon ni AJ Muhlach ng launching project sa Viva Films, malaki ang pasasalamat nito kahit pa hindi siya naniniwala na gagawin ‘yun ng kanyang kuya dahil batid niya na mas gusto nitong i-prioritize niya ang kanyang pag-aaral.

Okay kay Aga na mag-artista siya pero, tapusin muna niya ang kanyang studies. Kaso dumating na ang napakagandang pagkakataon at hindi niya ito maaaring palampasin at baka hindi na dumating na muli. Ito ang Double Barrel, isang maaksyong pelikula na magsisilbing launching film niya. Dumating ito makaraan ang walong taong matiyagang paghihintay niya. Sa movie ay biglang nag-mature ang role ni AJ. Kahit marami ang nagulat dahil umaasa silang makikilala ito sa genre na nagpasikat kay Aga, okay na sila dahil nawawala na ang mga action film at baka makatulong si AJ sa pagbabalik nito.

Willing naman ang prodyuser ng Double Barrel na suportahan ang ma­raming demands ng pelikula, kasa­ma ang malaking gastos na kinaila­ngan dito. Bukod sa maraming action scenes na ipinagawa sa kanya, su­mabak na rin si AJ sa maiinit na love scenes kasama ang leading lady niya na si Phoebe Walker.

Para magawang maganda ang mga maiinit na eksena nila, hiniling ng dalawa na kung maaari ay gawing closed door ang set kapag love scenes ang kinukunan at mga hanggang anim na tao lamang ang nasa set.

Wala namang pressure kay AJ na baka maikumpara siya sa sikat na kapatid. “Kung mayro’n man pong pressure, healthy pressure ito. Inisip ko na lang na kung nagawa ng kuya ko ang mga mahihirap na eksena niya sa mga movies niya, magagawa ko rin,” sabi niya.

Ruru gagawing next Dingdong?!

Sa mga kabataang artista na nakasama sa season 1 ng Alyas Robin Hood, suwerteng napili sina Lindsay de Vera, Rob Moya, at Dave Bornea para maipagpatuloy ang mga characters nila sa Book 2 na magtatampok uli kina Dingdong Dantes at Andrea Torres kasama ang isa pang magsisilbing leading lady na si Solenn Heussaff.

Kung sa season 1 ng Alyas Robin Hood ay na­ging friends ang characters nina Lindsay at Dave, sa Book 2 ay baka mauwi ito sa romansa. Baka rin dito na magsimula ang pagiging loveteam ng dalawa. Bagaman at sinasabi ni Lindsay na talagang friends lang sila at walang nagaganap na ligawan, action speaks louder than words.

Isang pulis naman ang character na ginagampanan ni Rob sa Alyas Robin Hood. Pareho silang pulis at kasama ni Paolo Contis na gumanap bilang kapatid ng namatay na character ni Megan Young.

Makakasali pala sa cast si Ruru Madrid na susubukan ng GMA na gawing isang action star. Hindi naman siguro siya gagawing kalaban ni Dingdong dahil tututulan sigurado ito ng fans niya.

Matteo kawawa sa mga pag-amin nina Sarah at John Lloyd

Feeling ko tuloy hindi lubos ang paniniwala ng prodyuser ng Finally Found Someone sa lakas sa takilya ng mga artista ng movie na sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz dahil pati mga sik­retong matagal nang pinakatatago ng dalawa ay ibinulgar na. Kawawang Matteo Guidicelli na baka ngayon na lamang narinig ang maraming pangyayari kina John Lloyd at Sarah. At kahit na alam niya, magiging masakit pa rin ang mga nabulgar lalo na sa kanyang nobya para lamang sa promosyon ng pelikula.

Obvious naman na parehong asiwa ang dalawa sa naging takbo ng promosyon para lang masiguro na pipilahan ang movie nila, pero wala silang magawa. 

Emote ni Jennylyn narinig ni Gil

‘Di talaga maikakaila ang chemistry nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa My Love From The Star. Kamakailan lang ay pinaiyak na naman ng dala­wa ang mga manonood sa eksenang nagmo-monologue si Steffi (Jennylyn) at sinasabing na­mi-miss na niya si Matteo (Gil). ‘Di niya alam ay pina­pakinggan siya ni Matteo sa likod ng pinto.

Hindi talaga nagkamali ang GMA7 na pagtambalin sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with