^

PSN Showbiz

Ria umatras sa Miss World PH!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: First time na magbiyahe si Barbie Forteza nang solo pagkatapos niyang mag-cele­brate ng kanyang 20th birthday.

Naka-schedule na siyang lumipad patungong Chicago para magbakasyon ng halos dalawang linggo. Dadalawin daw niya ang kapatid na naka-base roon sa Chicago, at pupunta rin daw sila ng New York at Indiana.

Pero bahagi ng birthday celebration, binalikan niya ang dating Elementary School sa Pagkakaisa Elementary School sa Biñan, Laguna. Namigay siya roon ng regalo. Nag-donate raw siya ng dalawampu’t anim na stand fan para sa mga classroom doon.

“Yun talaga yung gusto ko, kaya last year hindi ako nag-celebrate nung birthday ko para ‘yung budget dun naipon para idoble dun sa budget ko this year.

“Ang saya, kasi ang lahat ng teachers ko mula Grade 1 hanggang Grade 4 nandun silang lahat,” masayang kuwento ni Barbie.

Excited na rin daw siya sa nalalapit niyang bakasyon sa Amerika dahil first time niyang magbiyahe na mag-isa. Tatapusin lang daw niya ang pinaghahandaan nilang bonggang selebrasyon sa Sunday PinaSaya na magtu-two years na sa darating na Linggo.

PAK: Kung sure na pasok na raw si Winwyn Marquez sa Miss World-Philippines, umatras naman ang Kapamilya actress na anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde.

Matagal na raw niyang gustong sumali sa beauty contest kagaya ng Bb. Pilipinas at Miss World-Philippines, pero sa ngayon ay nag-aalangan pa siya dahil hindi pa raw talaga siya handa.

“Nasa plano po dapat. Originally, to do it this year pero… siguro focus po muna sa pag-arte para hindi ko po pasukin lahat at once.

“I don’t feel like I’m mentally and emotionally prepared for it, physically also marami pang demands and sa pageant pero sa September pa naman. Screening has already done, and they already have the list of the candidates.

“Masaya naman po ako sa nangyayari sa career ko ngayon. Maybe next year,” pahayag ni Ria.

BOOM: Ngayon lang nakumpirma ng isang kilalang bading na direktor kung anong klaseng babae ang kilalang aktres na matagal nang natsitsismis na may kakatihan daw talaga.

Si direk ang magdidirek ng nalalapit na show ni aktres kasama ang mga kakontemporaryo niyang mga kilala ring aktres.

Noong unang meeting nila para sa show, isinama ni direk ang assistant director niyang dyowa na rin. May pagka-hunk si assistant ni direk, at mala­kas ang dating kaya mukhang na-attract sa kanya si aktres.

Pagharap nila sa meeting, hiningi ni aktres ang cell number ng assistant ni direk na ibinigay naman nito.

Pagkatapos ng meeting, nagulat ang assistant direk na nagti-text na ang aktres sa kanya.

Kesyo nagti-thank you na magsasama raw sila sa trabaho, at meron pang mga text ng inspirational message.

Hindi alam ng assistant direktor kung ano ang ire-react niya. Pinabasa niya lahat ang text sa dyowang direktor at nairita siyempre ito.

Sabi raw ni direk sa staff niya, sa susunod na meeting nila kasama ang aktres, io-order daw niya ng kape sa isang coffee shop na may flavor na ‘kati-kati’. May ganung flavor daw sa isang kilalang coffee shop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with