^

PSN Showbiz

Jake gagawa ng libro para sa mga kabaro!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Gaganapin na sa October 6 ang kauna-unahang concert ni Jake Zyrus sa Music Museum na may titulong I Am Jake Zyrus.

Masayang-masaya ang singer sa mga naging desisyon niya kamakailan katulad ng pagpapalit ng pangalan mula sa Charice at ang anyo niyang matipuno na ngayon.“Importante sa sarili mo na alam mo kung ready ka. Kung hindi ka pa ready ‘wag kang dadating sa point na matatakot ka na to actually show the people who you are,bungad ni Jake. 

Maraming pumupuna sa singer sa social media dahil sa ginawa nitong pagpapalit ng pangalan at hitsura. “Kahit anong advise pa or kahit negative or positive na sasabihin sa iyo ng mga tao, at the end of the day, nasa sa iyo ang desisyon. Ikaw ang may power kung gusto mong sumaya o gusto mong maging miserable,” makahulugang pahayag ni Jake. 

Nakaplanong gumawa ng isang libro ang international singer tungkol sa kanyang buhay upang maging inspirasyon ng LGBT community. “Kasi marami akong nakikita na nasa ganitong sitwasyon. Gusto ko magkaroon sila ng inspirasyon ng para makakita sila ng reason na, ‘Uy! Kinaya niya. Siyempre kaya ko rin ito,’” pagbabahagi pa niya.

Yassi nawalan na ng oras sa beach

Kung magkakaroon ng pagkakataon ay gusto raw magbakasyon ni Yassi Pressman sa isang beach. Mahilig ang aktres pumunta sa mga dagat upang makapag-relax. “I love the sun, I love the beach. I love going outdoors. Parang isa ‘yun sa nagpapasaya sa akin sa mga days off. I call it feeding my soul. May isang time na free day lang tapos papunta kami ng Subic, tapos nagse-search ako ng mga things to do or restaurants to go to. Tapos nakita ko things to do ‘yung ATV so sabi ko try natin. Tapos nag-ATV kami, tapos nag-drive ako, feeling ko sobrang intense. It was super fun. Another one was ‘yung first time ko mag-surf. Na-pack-up ako ng 3 a.m. tapos bumiyahe ako ng 5 a.m. papunta ng La Union. I had one day off and then I surfed. That was fun,” nakangiting kwento ni Yassi. 

Samantala, aminado ang aktres na naaapektuhan na rin siya sa mga namba-bash sa kanya sa social media. Nararanasan ito ni Yassi mula nang maging leading lady ni Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsyano. “Tao rin naman ako, naaapektuhan din naman ako. Kaya lang kapag do’n mo binigay ‘yung pansin mo, lagi ka lang naka-focus do’n, babagal ang growth mo. Kaya just try to do things better on your own. Kung hindi mo kaya ‘yon mag-isa, then use your friends and use your family. Grabe na rin kasi ‘yung bashing. Sobrang intense na sana ma-realize nila na everyone has feelings and everyone has to think before anything,” pagbabahagi ni Yassi. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with