^

PSN Showbiz

Aktres na maganda, sising alipin sa maagang pag-aasawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga pagkakataon palang parang nagsusumbong ang isang female personality tungkol sa kanyang pribadong buhay sa mga pinagkakatiwalaan niyang kaibigan-katrabaho. Maraming pinanghihinayangan ang aktres sa maaga niyang pag-aasawa.

Kasagsagan ng kanyang career nang madesisyon ang aktres na magpakasal sa isang non-showbiz guy. May kaya sa buhay ang lalaki, kayang-kaya siyang buhayin, pero may mga kasunduan silang hindi nito tinupad.

Kuwento ng aming source, “Ang usapan nila, e, puwede pa rin siyang mag-artista kahit may mga anak na sila, oo raw naman, sabi ng husband niya. Pero hindi na siya pinayagang umarte, nasa bahay lang siya, buryong na buryong na ang girl.

“’Yun ang ihinihinga niya sa mga kaibigan niyang artista. Halos hindi na nga raw siya nanonood ng TV, kasi nga, nalulungkot lang siya. Dati nga naman kasi, e, napaka-active niya sa mga serye, pero ngayon, ayaw na siyang payagang mag-artista uli ng husband niya.

“Nagta-travel silang madalas, sa ganu’n na lang bumabawi ang asawa niya. Pero hindi raw siya masaya dahil hindi nga pinanindigan ng husband niya ang usapan nila,” kuwento ng aming impormante.

Sayang, ang ganda-ganda pa naman ng nasabing female personality, pero may kuwento pala tungkol sa biglaang pagpapakasal nila ng anak-mayamang lalaki.

“Hindi naman kapit sa patalim, pero parang ganu’n na rin ‘yun dahil siya lang ang inaasahan ng family niya. Siya lang ang nagtatrabaho, siya lang ang inaasahan, samantalang puwede namang mag-work ang ibang family members nila.

“Siguro nga, e, masyado na siyang na-pressure, sobrang napagod na rin siya, kaya ayun, parang escape ang ginawa niyang pag-aasawa nang maaga. Mayaman ang lalaki, kayang sustentuhan ang family niya, ‘di ba?

“Nakaligtas nga siya sa ganu’n, pero hindi naman siya happy, dahil gustuhin man niyang umarte at balikan ang passion niya, e, hindi na puwede dahil ayaw na ng husband niya.

“Pag-arte kasi ang first love niya, ‘yun ang reason kung bakit siya sumali sa isang reality show, sinuwerte naman siyang maalagaan ng isang network.

“Magaling siyang umarte, maganda pa siya, may kahawig siyang isang female singer na wala na rito sa Pilipinas ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

James hindi war freak

Ang dami-daming kuwentong lumalabas ngayon tungkol kay James Reid. Madalas daw siyang makitang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan, regular siyang laman ng mga bars sa BGC, parang nangangayayat daw ngayon ang guwapong young actor.

Ngayon ay maraming tagahanga nila ni Nadine Lustre ang umuupak sa kanya dahil sa isang lumabas na picture nila ng isang babaeng kasayaw niya sa bar. Pakiramdam ng mga fans nila ni Nadine ay niloloko niya ang dalaga na sobrang mahal na mahal siya.                                               

Binubuyo rin si Nadine ng iba nilang tagahanga na hiwalayan na si James, wala raw mapapala ang young actress sa kanyang boyfriend, puro problema lang daw ang pagdadaanan ni Nadine kay James.

Maaaring totoo ang pagba-bar hopping ni James Reid kasama ang kanyang mga kaibigan, pero malayo naman sa kanyang hitsura ang nagbibisyo ng droga, hanggang du’n lang ang puwedeng ipuna sa binata.

At may kuwento ang isang source namin tungkol kay James, ang sabi nito, “Saka behave siya kapag nakakainom. Tahimik lang siya, hindi war freak. Ni hindi nga siya nagpaparamdam kapag nandu’n siya.

“Hindi siya papansin. May ibang personalities kasi na kapag nasa matataong lugar, e, nagpaparamdam na nandu’n sila, parang nagyayabang, hindi ganu’n si James.

“Wala lang, tahimik lang siyang umiinom, hindi siya naghahanap ng gulo kapag lasing na siya. Kundi mo nga gagalugarin ang mga tao sa bar, e, hindi mo malalamang nandu’n pala si James.

“Tahimik lang kasi siya, simple lang, hindi siya attention getter. Walang angas ang batang ‘yun!” pagdidiin pa ng aming source.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with