^

PSN Showbiz

Derek sinabak ang kahirapan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Invited ako kahapon sa presscon at special preview ng Amo ng TV5, ang action drama series na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

Si Brillante Mendoza ang direktor ng Amo na tungkol sa mga drug addict ang kuwento. Ang pilot episode pa lang ang ipinapanood sa amin kaya hindi ko pa nakikita ang mga eksena ni Derek.

Ang sabi ng mga reporter, parang sequel ng Ma’ Rosa ang Amo at hindi ito idinenay ni Brillante.

Ang Ma’Rosa ang pelikula na nagbigay kay Jaclyn Jose ng Best Actress trophy mula sa Cannes Film Festival noong 2016.

Kinunan sa Mandaluyong City ang mga eksena ng Amo. Hindi makapaniwala ang ibang mga reporter na may lugar sa Mandaluyong na pinamumugaran ng mga mahihirap.

Ikinuwento ni Derek na naloka rin siya nang mag-taping sila sa Mandaluyong City dahil sa kahirapan na nakita niya.

Nakatira si Brillante sa Mandaluyong City kaya gamay na gamay niya ang tirahan ng informal settlers. May nagsabi sa akin na kinunan din ang mga eksena ng Ma’ Rosa sa Mandaluyong City.

Kris malaki na ang ipinag-mature

Nadagdagan ang Instagram (akosilolitsolis) followers ko dahil sinusubaybayan na rin ng fans ni Kris Aquino ang mga kagagahan ko.

In all fairness, broad-minded ang karamihan sa fans ni Kris dahil hindi nila sineryoso ang mga biruan namin ni Tetay. Hindi sila katulad ng isang Ingliserang fan na inokray-okray ang pagkatao ko at ang pagiging mahirap ko pero basa naman siya nang basa sa mga Instagram post ko. At least, napapasaya ko siya kahit punumpuno siya ng kanegahan sa katawan.

Tinalbugan pa niya si Tetay na hindi sineryoso ang mga kagagahan ko at nag-promise na hindi siya iiyak kung sakali na magkaroon kami ng talk show together. Malaki na talaga ang ipinag-mature ni Tetay na mukhang maraming natutunan sa pangdededma sa kanya ni Papa Herbert Bautista nang magkita sila sa Manila Cathedral noong Linggo.

Idinenay ni Kris ang pralala ko na hindi sila lihim na nagtitinginan ni Papa Herbert sa church wedding nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu pero never ko na babawiin ang sinabi ko. Seventy years old na ako pero hinding-hindi pa malabo ang mga mata ko. Mas malinaw nga ang mata ko dahil nakasalamin ako ‘no!

Pres. Duterte dinaig ang mga action star!

Na-in love na naman ako kay President Rodrigo Duterte nang mapanood ko noong Lunes ang live telecast sa mga news program ng pagharap niya sa mga demonstrador sa harap ng Batasang Pambansa.

Nakakaloka ang ginawa ni Papa Rody dahil any moment, puwedeng may bumaril sa kanya pero humanga talaga ako sa katapangan niya.

Dinaig ni Papa Rody ang mga action star nang hamunin niya ang mga raliyista na barilin siya. Scary talaga ang eksena na napanood ng buong mundo pero dedma si Papa Rody na security nightmare ng PSG.

Paulit-ulit na sinabi ni Papa Rody sa mga demonstrador na irespeto nila ang isa’t isa.

Hindi nagpasindak si Papa Rody sa mga raliyista dahil been there done that na siya. Dyuskoday, dati nang demonstrador si Papa Rody noong araw kaya hindi bago sa kanya ang mga ginagawa ngayon ng mga kabataan na nagde-demand ng peace talk.

Basta ang sumatutal, kakaiba ang katapangan na ipinakita ni Papa Rody na hindi ginawa ni Noynoy Aquino noong pangulo pa ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with