^

PSN Showbiz

Anak ni Roi Vinzon pasok sa grand finals ng The Voice Teens!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Roi Vinzon pasok sa grand finals ng The Voice Teens!

Isabela

Siguradong very proud ang mahusay na character actor na si Roi Vinzon sa anak niyang si Isabela na nakalampas sa semi-finals ng The Voice Teens. Hindi birit song ang ipinanglaban ng pride ng Pampanga na bukod sa pagkanta ay bihasa rin sa self-defence na pinagtiyagaang ituro sa kanya ng kanyang ama.

Isang Lady Gaga song ang kinanta niya na sinaliwan din niya sa piano, iba sa mga ka­ra­niwang kanta na naririnig sa mga singing contest na  para sa mga teenager. Ang galing niya! Good luck sa kanya dahil kahit gaano siya kagaling malaki ang gagampanan ng suwerte sa magiging kapalaran niya.

Marvin pinasok na rin ang online series

Pansamantala ay babawasan ni Marvin Agustin ang pagtutuon ng pansin sa kanyang napakaraming restaurant dahil magpoprodyus siya ng isang eight-episode online series para sa HOOQ na siya rin ang direktor.

Handa naman ang aktor sa bagong mundo na pinasok niya dahil nag-aral siya ng filmmaking sa New York noong nakaraang taon. Dumalo rin siya sa ilang scriptwriting workshops. Sa kasalukuyan ay nasa punto siya ng pagdi-develop ng isang short film na una niyang iprinisinta sa HOOQ at nagustuhan naman nila.

Kailangang matapos niya ito para umabot sa pagsisimula ng shooting ng kanyang serye dalawang buwan mula ngayon. Kapag nagtagumpay ang online series niya, itutuloy niya ito sa paggawa ng pelikula.

Kris maingat sa pagbabalik sa TV

I’m sure kokontrahin ito ng maraming hindi pumapabor kay Kris Aquino, pero kung ginusto niya ay mabilis sana siyang nakabalik ng TV. May offers naman siya, pero ayaw niyang madaliin ang paggawa ng desisyon. Ayaw niyang mapahiya kapag hindi natuloy ang proyekto na nasabi na niya.

Inamin niyang nasasabik na siyang mabalikan ang kanyang trabaho. At habang hinihintay niya ang trabaho na magugustuhan niya, pinag-aaralan niyang mabuti ang isang project sa iFlix, isang subscription video-on-demand service at may malawak na koleksyon ng mga sikat na pelikula sa Hollywood at Filipino classics.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with