^

PSN Showbiz

Kris sumisid na naka-gown!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris sumisid na naka-gown!

Kris Aquino

Pagkatapos mag-ninang

MANILA, Philippines -  May presscon ang iflix.ph today para i-announce ang shows na gagawin ni Kris Aquino sa kanila.

Samantala, ‘yun palang gown na suot ni Kris sa wedding nina Cong. Alfred Vargas at Yasmine Vargas ay gawa ni Michael Lleyva. Sabi ni Kris, backup gown niya ito sa movie na ginawa niya sa Singapore. Perfect champagne ang color para sa ninang gaya niya, kaya hindi nasayang ang gown. Ang ginamit yata na gown ni Kris sa shooting ay gawa ni Michael Cinco.

Kaloka lang si Kris dahil nag-swimming habang suot ang gown.  

Kinababaliwan ni Glaiza darating sa bansa!

Si Glaiza de Castro ang naisip namin sa balitang babalik ng bansa ang favorite K-pop superstar performer niyang si G-Dragon para mag-concert. Sa September 1, ang solo concert ni G-Dragon sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaang nagpunta pa sa Seoul, Korea si Glaiza para lang mapanood si G-Dragon sa concert ng Big Bang na kinabibilangan nito.

Samantala, this week na raw magti-taping si Glaiza para sa guesting sa Mulawin vs. Ravena bilang si Pirena ng Encantadia. 

Andre mas gustong maging comedian

Eight months palang sa Sunday Pinasaya si Andre Paras, pero feeling nito ay nakaka-two years na siya dahil sa warm welcome ng original mainstay. 

Ang daming magagandang nagawa kay Andre ng SPS at kumakanta siya paminsan-minsan. Sumasabay din siya sa mga kasama sa sayaw at ang pinakagusto niya ay ang nahahasa ang talent niya sa comedy.

Gustong mag-focus sa comedy ni Andre para maiba siya sa mga kabataang aktor na gustong maging matinee idol o kaya’y singer.

“Ako, gusto kong ma­ging comedian, young comedian dahil konti lang sa amin ang gustong magpatawa. Sinusundan ko ang path ng dad ko at comfortable ako sa comedy, kaya walang problema,” sabi ni Andre.

Ibinalita rin ni Andre na balik-basketball siya at member ng AMA Online Education Team na naglalaro sa PBA-D League. Naka-enroll si Andre sa AMA ng Bachelor’s Degree in English Studies at second year na siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with