^

PSN Showbiz

Sarah isinauli ang bigay na singsing ni John Lloyd!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sarah isinauli ang bigay  na singsing ni John Lloyd!

John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo

Nabuko ang nangyari noon

Matagal ding nailihim nina John Lloyd Cruz at Pop Princess na si Sarah Geronimo na nagpalitan pala sila noon ng regalo. Binigyan ni JLC si Sarah ng isang watch habang headphone (set) naman ang bigay ng pop princess kay John Lloyd. There was also a time na nagbigay si John Lloyd ng singsing kay Sarah pero isinauli umano ito ng huli.

Wala pa noon sa buhay ni Sarah ang nobyo niya ngayong si Matteo Guidicelli at malamang na loveless pa at that time si John Lloyd after his break-up with Shaina Magdayao at hindi pa rin pumapasok sa eksena si Angelica Panganiban.

Sa pagkakatanda ng marami, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sina Sarah at John Lloyd after their second team-up in You Changed My Life in 2009 and took them four years bago sila muling nagkatrabaho sa pelikulang It Takes a Man and a Woman.

Although loveless pa rin hanggang ngayon si John Lloyd after his break-up with Angelica, napaka-open naman ngayon ni Sarah pagdating sa naging special friendship nila ni John Lloyd na hindi na dumating sa mas malalim pang relasyon.

Phoebe nahihiyang maging

 kahawig si Cristine Reyes

Marami ang nagsasabi na malaki umano ang hawig nina Cristine Reyes at ang Viva Fil-Brit actress na si Phoebe Walker pero tila nahihiya ito na baka akalaing ginagamit niya ang nakababatang kapatid ni Ara Mina para pag-usapan.

“I’m flattered but at the same time ay nahihiya po ako kay Cristine,” pag-amin ni Phoebe nang ito’y aming makausap sa Mardinan office ng Viva in Quezon City na may kinalaman sa upcoming action movie niya with AJ Muhlach, ang Double Barrel mula sa direksiyon ni Toto Natividad. Introducing sa pelikula ang mister ni Cristine Reyes, ang Mixed Martial Arts (MMA) expert na si Ali Khatibi at comeback movie naman ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval.

Ang Double Barrel ay nakatakdang ipalabas sa darating na August 9, 2017.

Inamin ng 25-year-old na si Phoebe na kahit nanalo siya sa Amazing Race Philippines, she considers her bigget break in showbiz ay noong gawin niya ang 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Seklusyon na nagpapanalo sa kanya bilang Best Supporting Actress. Ito’y idinirek ni Erik Matti under Reality Entertainment.

Si Phoebe ay lumagda ng five-year 12-picture contract with Viva Artists Agency at first niya sa nasabing kontrata ang Double Barrel.

Phoebe and her younger sister na si Molly (18) ay parehong ipinangak sa Hong Kong kung saan sila dati naka-base with their British dad. Bumalik sila ng Pilipinas nang magkhiwalay ang kanyang parents. Ang kanyang mom ay isang Ilocana mula sa La Union. Nagtapos naman siya ng kanyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University kung saan siya kumuha ng International Stu­dies. Bukod sa English, Tagalog and a little Ilocano, nakakapagsalita si Phoebe ng French at Cantonese.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with