^

PSN Showbiz

Anak ng bilyonaryong si Ramon ang at Kris hindi nag-match!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bilib ako kay Jomar Ang, ang anak ni Papa Ramon Ang na nag-proxy sa tatay niya bilang ninong sa kasal nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu.

Nag-stay si Jomar sa wedding reception sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel as in nauna pa ako na umuwi dahil antok na antok na ako.

Magkatabi kami ni Jomar sa upuan kaya nalaman ko na halos ang kuwento ng buhay niya, ang kanyang hilig sa scuba diving at ang plano ni Papa Ramon na bigyan siya ng funeral parlor business.

Twenty four years old pa lang si Jomar pero marami na siyang alam sa business. Bigo ako na ireto si Jomar kay Kris Aquino dahil ayaw nito ng mhin na halos ka-edad ng kanyang anak na si Joshua.

Saka parang mas type pa rin ni Kris na ma-link siya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil caught in the act ko ang kanilang lihim na pagtitinginan habang nagaganap ang pag-iisang dibdib nina Alfred at Yasmine sa Manila Cathedral.

Kris seksing-seksi nang mag-ninang

Gandang-ganda ako kay Kris nang umapir siya sa Manila Cathedral noong Linggo para sa kasal nina Alfred at Yasmine.

Kung nagandahan ako at ang ibang mga bisita kay Kris, imposible na hindi naakit sa kanya si Papa Herbert na may suot na surgical mask dahil sinisipon siya.

Talagang pinaghandaan ni Kris ang pagkikita nila ni Herbert dahil seksing-seksi siya sa kanyang gown.

Sayang dahil hindi nakarating si Congresswoman Vilma Santos-Recto na ninang din nina Yasmine at Alfred. Kung dumalo si Mama Vi, nai-imagine ko na tatawa siya nang tatawa dahil sa mga kagagahan na sagutan namin ni Kris.

GMA interesado sa Kris-Lolit!

Katabi namin ni Kris ang another ninang, si Lilybeth Rasonable, ang Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA 7.

Feel na feel ko na miss na talaga ni Kris ang magkaroon ng talk show dahil siya pa ang nag-suggest kay Mama Lilybeth na puwede kaming bigyan ng programa. Narinig kasi ni Mama Lilybeth ang repartee namin ni Kris.

“Ayoko” ang sagot ko kay Kris dahil happy na ako sa pagma-manage sa mga alaga ko ‘no? Dati na kaming nagsama noon sa Startalk pero nagbabu siya at nag-ober da bakod sa ABS-CBN.

Ngayong hindi na interesado sa kanya ang ABS-CBN na siya rin naman ang nagsabi, feel ko talaga na type niya na bumalik sa Kapuso Network.

Alfred at Yasmine maganda ang pagpapalaki sa mga anak

Type ko ang dalawang anak nina Yasmine at Alfred na sina Alexandra at Aryana dahil mababait sila na bata.

Tahimik lamang sila habang nagpapalitan ng I do’s ang nanay at tatay nila. Hindi sila katulad ng ibang mga bata na malilikot at takbuhan nang takbuhan.

Ganoon yata talaga kapag ang mga nanay at hindi ang mga yaya ang nagpalaki sa mga anak nila. Tutok si Yasmine kay Alfred at sa kanilang mga anak as in 24/7 ang mga responsibilidad bilang asawa at ina.

Spoiled sa mister

Hindi ko na nahintay ang speech ni Nerissa, ang nanay ni Yasmine.

Ikinuwento na lang sa akin ang touching message ni Nerissa para sa kanyang anak at manugang.

Ipinagmalaki ni Nerissa na mabuting anak si Yasmine at never ito na nagbigay sa kanya ng problema. Sinabi rin ni Nerissa na masuwerte kay Alfred ang anak niya dahil spoiled na spoiled ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with