^

PSN Showbiz

Jake (Charice) ayaw munang magka-dyowa!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake (Charice) ayaw munang magka-dyowa!

Jake Zyrus

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pagpapalit ng pangalan ni Jake Zyrus mula sa Charmaine Clarice Relucio Pempengco o mas kilala bilang si Charice sa tunay na buhay.

Ayon sa singer ay screen name lamang ito at hindi raw niya tatanggalin o binabalak na palitan ang kanyang tunay na apelyido. “Screen name lang ‘yon. If I would change my name, first and second name, not my middle name and last name, Relucio-Pempengco pa rin ‘yan. ‘Yung Relucio-Pempengco, hindi na mababago ‘yon, mahal na mahal ko ‘yung last name ko na ‘yan,” bungad ni Jake.

Pinag-isipan daw mabuti ng singer kung ano ang kanyang bagong pangalan ngayon. “Nag-make up ako ng maraming names, then pinagpi­lian ko. Pero ‘yun lang ang nai-imagine ko, na ‘pag magpe-perform ako on stage, all over the world, they will shout my name. I know mage-gets ito ng ibang transgender people, na mayroon talagang specific name na ‘pag narinig namin, may gano’n talagang feelings,” nakangiting pahayag ni Jake.

Personal na desisyon at walang pumilit sa international singer upang magpalit ng kanyang pangalan. “Siyempre, hindi na sanay ‘yung ibang tao, pero para sa akin, ‘yon naman ang na-feel ko. ‘Pag naririnig ko, natutuwa ako,” giit niya.

Samantala, walang karelasyon nga­yon si Jake at hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang kanyang buhay pag-ibig sa kasalukuyan. Matatandaang si Alyssa Quijano ang naging huling kasintahan ng singer at tumagal din ng apat na taon ang kanilang relasyon. “If I fall in love, I fall in love. Gano’n lang naman ‘yon, gano’n lang ang takbo ng buhay. Gano’n lang naman ako, kung ano ang dumating sa buhay ko, magmahal ka, sumaya ka, masaktan ka, gano’n ang takbo ng buhay at gano’n tayo,” pagtatapos niya.

lea hindi nakakalimutan ang utang na loob kay Celeste

Noong Linggo ay naging emosyonal si Lea Salonga habang nagbibigay ng tribute speech para kay Celeste Legaspi sa variety show na ASAP. Ayon kay Lea ay malaking bahagi ng kanyang international career ang beteranang mang-aawit. “Si Celeste mismo ang tumawag sa nanay ko para mag-audition ako for Miss Saigon. She was the one who called para lang sabihin sa nanay ko, ‘You have to let your daughter audition for this. She’s the only one I can think of that, could be right for that,” emosyonal na kwento ni Lea.

Noong una ay nagdalawang isip pa raw ang inang si Ligaya Salonga pero nakumbinsi rin ito ni Celeste at nakapasa naman si Lea sa Broadway musical na Miss Saigon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with