^

PSN Showbiz

Aktor okay lang mawalan ng pagkain ‘wag lang ng concealer!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung pagiging OA sa pag-aalaga sa katawan ang pag-uusapan ay nangunguna pala sa listahan ang isang kilalang male personality. Marami siyang rekotitos bago siya gumawa ng mga eksenang mabibilad siya sa initan.

Maagang dumarating sa location ang aktor, puring-puri ng kanyang mga katrabaho ang pagiging professional niya, pero hindi pala ‘yun ang totoong dahilan kung bakit siya dumarating nang maaga sa set.

Kuwento ng aming source, “Kailangan muna kasi niyang umidlip bago siya magsimulang humarap sa mga camera. Mahalaga ang power nap para sa kanya, hindi kasi siya nakakatulog sa biyahe, kaya kailangan niyang umidlip muna bago siya mag-work.

“Malakas siya sa gasolina dahil habang natutulog siya, e, nakabukas din ang aircon ng sasakyan niya. Hindi puwedeng wala dahil malaki kuno ang itinatanda ng tao kapag nasa mainit na lugar.

“Parang gulay na nasa ref daw tayo kapag naka-aircon, laban kayo du’n? At bago siya sumalang, e, may ipinapahid siya sa kanyang mukha at katawan Bawal sa kanya ang mabilad sa araw, masisira raw ang kanyang kutis.

“’Yun ang dahilan kung bakit, kung bumili siya ng concealer at iba pang mga kadramahan sa balat, e, ganu’n na lang karami. Mawawalan siya ng food, pero ang mga ginagamit niyang cream, e, hindi puwedeng mawala sa kahit saan siya pumunta,” tumatawang kuwento ng aming impormante.

Heto na. Pati kuno ang pag-iilaw sa kanya sa eksena ay pinakikialaman ng male personality. Bawasan daw ang tutok ng ilaw sa kanya dahil baka siya ma-washout sa eksena pero ang totoo ay nakasisira kuno ng kutis ang sobrang init.

“Ayun, sa sobrang pag-aalala niya sa flawless niyang kutis, e, nakakalimutan na tuloy niyang umarte nang tama. Nakakailang takes ba siya bago niya makuha ang emosyon na kailangan sa eksena?

“Dahil sa marami niyang seremonyas sa katawan niya, e, napababayaan na tuloy niya ang trabaho niya, ang pag-arte. Markahan natin ng X ang male personality na ‘yan!” humahalakhak pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Epekto ng kaso, Noven tsugi sa mga show sa ibang bansa!

Sobrang laki ng naging epekto ng kasong pinagdadaanan ngayon ni Noven Belleza sa pausbong pa lang niyang singing career. Maraming oportunidad na nakalampas sa kanya.

Nakarating sa amin ang impormasyon na dapat sana’y makakasama siya sa ilang series of shows sa ibang bansa, pero kailangang tanggalin siya sa line-up, dahil sa pagdinig ng kasong sexual assault na ibinibintang sa kanya.

Kailangan niyang lumipad papuntang Cebu kung saan siya kinasuhan, dapat niyang tutukan ang problema, para mapatunayan niyang inosente siya.

Sising-alipin siguro ngayon ang magaling na singer at unang kampeon ng Tawag Ng Tanghalan kung bakit lumabas pa siya kasama ang grupo ng babaeng nang-asunto sa kanya.

Ngayon na lang siguro niya naiisip na sana’y nagpahinga na lang siya sa tinutuluyan niyang hotel-condo, ‘di sana’y walang ganyang problema siyang kinakaharap ngayon, walang bumabagabag sa kanya.

 ‘Yun ang dapat gawin ng mga artista kapag duma­dayo sila sa mga lugar na hindi nila kabisado ang kalakaran. Huwag nang lumabas, magpahinga na lang, para hindi sila nadadamay sa mga ganyang usapin.

Kahit ano pa ang sabihin ng mga tagahanga ni Noven na wala sa kanyang imahe ang magsasa­mantala sa isang babae ay nand’yan na ‘yan, kaila­ngan na niyang harapin ang problema, kahit pa alam niya namang wala siyang nagawang mali.

At ‘yun ay nag-ugat lang sa pagtitiwala. Sumama siya sa mga taong hindi pa naman pala niya kila­lang-kilala. Inakala niyang simpleng pagliliwaliw lang ang kanilang gagawin pero nakababaliw na senaryo pala ang naghihintay sa kanya.

Isang malaking leksiyon para sa mga kasamahan niyang personalidad ang nangyari kay Noven Belleza. Sabi nga ng isang nakausap naming ma­nager, “Wala akong pakialam kung saan man niya dalhin ang kinikita niya, he deserves it dahil nagpapagod naman siya.

“Pero kailangang behave siya, huwag siyang lalabas kapag may provincial show siya. Hindi natin hawak ang utak ng ibang tao at kung anong motibo meron sila sa mga artsita,” kuwento ng manager.

Amen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with