^

PSN Showbiz

Yassi klinaro ang totoong lagay ni Coco sa kanyang buhay!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yassi klinaro ang totoong lagay ni Coco sa kanyang buhay!

Reports reaching Camp Crame identified the victims as van driver Hadji Amin Bangcola and passengers Hadji Latiff Macaumbos, Rey Dacoa Mancao, Siete Guimba, Jocelyn Oclarit and an unidentified woman in her 30s. They died at the scene. File

Wala pang bagong kasintahan ngayon si Yassi Pressman dahil wala raw panahon ang dalaga sa ganitong mga bagay. Matatandaang si Sef Cadayona pa ang huling naging nobyo ng aktres dalawang taon na ang nakalilipas.

“Kasi wala po akong time eh. Minsan ko na nga lang din po nakikita ‘yung bahay ko eh, saka ‘yung family,” nakangiting bungad ni Yassi.

Bukod sa teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin ay abala rin ang aktres para sa shooting ng pelikulang Ang Pambansang Third Wheel kung saan ay si Sam Milby naman ang kanyang katambal.

Nakararanas daw si Yassi ng mga pamba-bash sa social media dahil sa pagkakaugnay niya kay Coco. Posibleng ang mga tagahanga diumano ng tambalan ng aktor at ang sinasabing espesyal sa puso nitong si Julia Montes ang may kagagawan ng pamba-bash kay Yassi.

“Meron naman po talagang mga gano’n sa social media, lalo na po sa mga panahon na ‘to. Mapa-artista o kahit anong trabaho natin, meron po talaga. Kahit nga ‘yung students eh ‘di ba? Wala po tayong magagawa. Ako minsan, naaapektuhan, pero minsan wala. Bina-brush off ko na lang,” paliwanag ni Yassi.

Para sa dalaga ay nabibigyang kulay lamang daw ng iba ang pagiging malapit nila ni Coco sa isa’t isa. “Kami po ni Coco, wala naman po talaga,” giit ng aktres.

Maja suportado ang naging katangahan ni Kakai

Masayang-masaya si Kakai Bautista sa pagkakaroon ng kaibigan na katulad ni Maja Salvador. Palagi raw nakasuporta ang huli kay Kakai lalo na kapag may pinagdadaanan ang komedyana. “Si Maja napaka-positive na tao niyan. Kunyari sobrang down mo, kahit siya down na siya sasabihin niya, ‘Hindi, hindi tayo gi-give up, kaya natin ito, kaya mo ‘yan.’ Kapag wala ka nang pupuntahan na iba na parang lahat nakausap mo na, lahat nahanapan mo na ng comfort, parang one of the last persons I would love to talk to kapag sobrang down. Ngi­ngitian ka lang niyan ‘pag meron kang nasabing something. Walang masamang tinapay kahit kanino,” pagbabahagi ni Kakai.

Kontrobersyal ngayon ang palitan ng mga salita sa pagitan ng aktres at da­ting kaibigan na si Ahron Villena. Todo-suporta pa rin daw si Maja kay Kakai sa mga nangyayari. “Si Maj hindi naman siya ‘yung mahilig magalit. Basta sabi niya sa akin, ‘Kapag binalikan mo pa ‘yung tao na ‘yan, friendship over tayo.’” natatawang pahayag ni Kakai.

“Kumbaga ‘yung nagpaka-syunga ka na naman diyan. Si­yempre hindi ko naman itinatago sa buong mundo na I had feelings for him. Diyos ko, tapos na ‘yun so natuto na ako do’n. So ‘yun ‘yung lagi niyang panakot sa akin. Mas mahal ko naman ‘yung mga kaibigan ko. Mas mahal ko din ‘yung sarili ko,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with