^

PSN Showbiz

Kasal nina Alfred at Yasmine sinalubong ng ‘blessing’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Early bird ako kahapon sa church wedding nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu dahil ayokong ma-late, hitsurang Sunday kahapon at walang trapik.

Maaga rin ako nagpunta sa parlor ni Bambbi Fuentes para sa hair and make up ko as in 11 a.m. pa lang, go na ako. Nagsimba muna ako kaya dalawang beses ako na nakinig kahapon ng misa.

Nag-pictorial muna sina Alfred at Yasmine, pati ang kanilang mga anak na sina Alexandra at Aryana sa Manila Peninsula dahil dito sila naka-check in simula pa noong Sabado.

After the pictorial, nagpunta na sila sa Manila Cathedral pero nauna siyempre ang groom.

Malakas ang buhos ng ulan kahapon nang umaga pero nagliwanag ang langit at gumanda ang panahon na nakisama sa important day sa buhay ng Vargas couple.

May hashtag na #VargasNaPag-Ibig na katunog ng wagas na pag-ibig ang pag-iisang dibdib nina Alfred at Yasmine.

Yasmine diyosang-diyosa sa kasal

Diyosang-diyosa si Yasmine sa wedding gown na ginawa ng Cebu-based fashion designer na si Cary Santiago.

Ang ganda-ganda ni Yasmine at walang mag-aakala na dalawa na ang anak nila ni Alfred dahil seksing-seksi siya.

Masuwerte si Yasmine dahil hindi siya tumataba. Talagang nasa lahi yata nila ang mabilis na metabolism.

Sa mga hindi nakakaalam, muntik nang maging artista at mo­del si Yasmine noong bagets pa ito. Hindi natuloy ang kanyang pagpasok sa showbiz dahil hindi puma­yag si Alfred na tanggapin niya ang mga tempting offer.

Pupunta sa El Nido Palawan sina Alfred at Yasmine para sa kanilang “mini moon.”

Bukas sila lilipad sa Palawan pero hindi magtatagal ang kanilang mini moon dahil sa mga trabaho ni Alfred sa Kongreso.

Actually, maraming television guesting ang isinakripisyo ni Alfred dahil naging priority nila ni Yasmine ang paghahanda para sa kanilang church wedding.

Ayaw na ayaw kasi ni Alfred ng stress. Gusto niya na maging maayos ang lahat, kahit isang taon ang preparations nila.

Alfred hinatid ng mga kapatid

Ulilang lubos na si Alfred kaya ang mga ate niya ang naghatid sa kanya sa altar ng Manila Cathedral.

Kung may ikinalulungkot si Alfred, hindi nasaksihan ng tatay at nanay niya ang pagpapakasal nila ni Yasmine. Kung buhay pa ang kanyang mga magulang, siguradong maligayang-maligaya sila dahil naging successful politician at husband ang anak nila.

Bago sila ikinasal kahapon ni Yasmine, sinabi ni Alfred na dadalaw siya sa puntod ng kanyang ama at ina para hingin ang basbas ng dalawa, kahit nasa kabilang-buhay na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with