Indie movie na galing mindanao naghakot ng trophy sa Urian!
SEEN: Napapansin na ng followers ni Kris Aquino na masipag ito na sumagot kapag tungkol sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN ang itinatanong ng social media followers niya, isang subtle way upang mapag-usapan at masabi niya ang kanyang tunay na nararamdaman laban sa Kapamilya Network. Si Kris ang parang “inapi” at ni-reject sa kanyang mga sagot.
SCENE: Hindi bagay kay Charo Santos ang look at gown na ipinasuot sa kanya ng stylist niya nang dumalo siya sa 40th Gawad Urian na ginanap sa Studio 10 noong Huwebes. Daig pa ang nagmumurang kamatis ang hitsura ni Ate Charo.
SEEN: As Kim Kardashian si Paolo Ballesteros nang tanggapin niya ang Best Actor award ng Gawad Urian para sa kanyang pagganap sa Die Beautiful.
SCENE: Ang hinala na naabisuhan ang mga mananalo sa Gawad Urian kaya dumalo sila sa gabi ng parangal.
SEEN: Tinalo ng newcomer actress na si Hasmine Killip sa Best Actress category ng Gawad Urian sina Jaclyn Jose, AiAi delas Alas, Nora Aunor, Charo Santos, at Elizabeth Oropesa. Si Killip ang lead actress ng Pamilya Ordinaryo.
SCENE: Ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 40th Gawad Urian.
Best Picture: Women of the Weeping River
Best Director: Sheron Dayoc for Women of the Weeping River
Best Supporting Actress: Sharifa Pearlsia Ali-Dans for Women of the Weeping River
Best Supporting Actor: Christian Bables for Die Beautiful
Natatanging Gawad Urian (Lifetime Achievement Award): Vilma Santos
Best Cinematography: Rommel Sales for Women of the Weeping River
Best Screenplay: Sheron Dayoc for Women of the Weeping River
Best Production Design: Erik Manalo, Rommel Laquian, and Rocketsheep Studio, Saving Sally
Best Editing: Carlo Francisco Manatad for Women of the Weeping River
Best Music: Jema Pamintuan for Tuos
Best Sound: Mark Laccay for Hinulid
Best Documentary Film: Sunday Beauty Queen
Best Short Film: Nakaw
- Latest