^

PSN Showbiz

Female singer laging pamalengke ang outfit ‘pag nagsU-show!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Female singer laging pamalengke ang outfit �pag nagsU-show!

Maurice Sacho Ilustre

Naging sentro ng kuwentuhan sa mundo ng musika ang isang female performer na walang kaayus-ayos sa katawan. Wala lang. Secure na secure siya sa kanyang sarili, habang nagpapabonggahan sa pagporma ang kanyang mga kasamahan ay parang mamamalengke lang siya, deadmatology ang female personality.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsang mapasama siya sa isang bonggang concert, e, nagbigay ng dress code ang production. Kailangang presentable sila, kailangan nilang paghandaan ang show.

“Oo naman, sabi ng lahat, magpapabongga sila kung ‘yun ang kailangan. Heto na, dumating na ang gabi ng mga gabi, nagpagawa pa ng outfit ang mga female performers, gumastos talaga sila.

“Ganu’n din ang mga male singers, suit kung suit sila, talagang prepared sila para sa show, sumunod sila sa request ng production. Nagpapabonggahan ang mga suot nila.

“Kumustahin naman natin ang girl na kung makagayak sa kahit anong show niya, e, parang pupunta lang siya sa kabilang kanto para magpa-load! Wala siyang pakialam.

“Dumating siya na bitbit ang isang black top, ‘yung parang binili lang niya sa ukay-ukay, wala siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng mga production people,” natatawang-kuwento ng aming source.

At kung ganu’n siya kawalang pakialam sa kanyang suot ay ganu’n din sa ayos ng kanyang buhok. Ano bang kailangang magpaayos siya para hindi naman siya magpahuli sa mga kasamahan niya?

“Waley! Lalong wala siyang pakialam sa hair niya! Masuwerte na kung magpa-blower man lang siya, sa totoo lang! Basta, meron siyang dalang pang-ipit o kaya, e, pangtali na ewan kung saan nanggaling, ‘yun lang!

“Nakakaloka siya, may sariling mundo ang female singer na ‘yun! Sana nga, e, kung simple lang siya, kaso, hindi na pagiging simple ang ginagawa niya kundi katigasan na ng ulo at pagiging burara!

“Kinokontra niya ang panahon. Kung ano ang gusto lang niya ang dapat masunod, nakakaloka siya! Hindi naman siya tibo para hindi magpa-make-up at magsuot ng dress, girl na girl naman siya, pero talagang ‘yun na siya!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming source.

Ubos!

James kailangan ng seminar kay Luis!

Medyo payapa na ang kapaligiran ngayon para kay Nadine Lustre. Mukhang napagod na sa pagsigaw ang mga tumutuligsa sa kanya, tinatamad na rin ngayon ang mga nagpo-post ng kung anu-anong masasakit na salita laban sa kanya, tahimik na ang mundo ng young actress.

Pero pagpansin ng mas nakararami ay nalampasan niya ang isang matinding kontrobersiya nang hindi man lang siya dinamayan ng kanyang boyfriend na si James Reid.

Sa kabuuan ng kuwento ay hindi man lang ito nagparamdam, mag-isa lang na pumagitna sa giyera si Nadine, pinag-usapan kaya nilang dalawa na hindi na makikihalo pa sa isyu ang aktor?

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Sabihin na nilang masyadong mapagpatol sa issue si Luis Manzano, sabihin na nilang sawsawero si Luis, pero napakasuwerte sa kanya ni Jessy Mendiola.

“Hindi siya makapapayag na i-bash nang paganu’n na lang ang girlfriend niya, siguradong aangat siya para ipagtanggol si Jessy, ‘di ba? Ganu’n siya ka-protective sa karelasyon niya. Na dapat lang naman!

“Kailangang mag-seminar si James Reid kay Luis. Dapat siyang matuto kung paano humawak ng relasyon. Hindi tamang gawin lang na pambala sa kanyon ang babae. Kahit pa sabihing sawsawero si Luis, ganu’n ang tamang gesture ng boyfriend kapag pinagtutulungan na ang girlfriend niya!

“Sa case ni Nadine, nasaan si James? Sa gitna ng pinagdadaanan ni Nadine, nagsalita man lang ba si James para ipagtanggol ang girlfriend niya?” naiinis na komento ni prop.

Tanong din ng mga nakakausap namin ay ganu’n daw ba talaga ang sitwasyon kapag hindi lumaki sa Pilipinas ang lalaki? Todo-pasa lang, walang pakialam, kahit pa ginagawa nang target ang kanyang girlfriend?

Pero maligaya si Nadine Lustre sa piling ni James Reid. Okey lang kay Nadine kung ganyan ang pagpapabayang ginawa sa kanya ng boyfriend niya.

May makatatalo ba sa pag-ibig? Hindi ba’t sabi nga ay bulag, pipi at bingi ang isang umiibig?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with