^

PSN Showbiz

Paolo babalikan ang pag-arte!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang Viva Artists Agency na pala ang bagong manager ni Paolo Bediones.

In good hands si Paolo dahil tiyak na malaki ang maitutulong sa kanya ni Boss Vic del Rosario at ng anak nito na si Veronique del Rosario Corpus.

Natatandaan ko na ang Viva Films ang produ ng first film ni Paolo, ang Walang Kapalit, ang 2003 movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Introducing ang billing ng name ni Paolo at ni Miriam Quiambao na unang movie assignment din ang Walang Kapalit.

Kasikatan noon ni Paolo bilang host ng top rating reality show na Extra Challenge at ang Viva ang nakapagkumbinsi sa kanya na umapir sa pelikula. 

Sino ang mag-aakala na after fourteen years, pipirma si Paolo ng exclusive management contract sa Viva?

Uber at Grab may tulong sa kasal ni Alfred

Bukas na ang church wedding nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa Manila Cathedral.

Kabilang ako sa mga ninang kaya maaga pa lang, pupunta na ako sa salon ni Bambbi Fuentes para sa hair and make up ko.

Nag-decide na ako na sasakay na lamang ako sa Uber papunta sa Manila Cathedral dahil ayokong makipag-agawan sa parking space ang driver ko.

Malaking tulong ang Uber at Grab para lumuwag ang mga parking lot dahil hatid-sundo lamang ang drama ng kanilang mga pasahero.

Makikisakay na lang ako kay Salve Asis sa pagpunta sa wedding reception at magpapahatid ako sa kanya pabalik sa parlor ni Bambbi dahil dito ako hihintayin ng driver ko na si Junior Sison.

Malaking ginhawa ang pagsakay sa Grab at Uber kaya nakaka-relate ako sa emote ng mga commuter nang sabihin ng LTFRB na iba-ban nila ang mga sasakyan na walang provisional authority.

Wait, Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ibig sabihin ng acronym na LTFRB at para ito sa kapakanan ng mga artista na nakisawsaw sa isyu pero hindi naman alam ang kahulugan ng acronym ng government agency na ginagamit nila sa kanilang trying hard na pagpapaka-relevant.

TimeZone sa Vertis North Mall hindi lang pambata

Na-meet ko kahapon sa grand opening ng TimeZone sa Vertis North Mall sina Kimberly Kee, Scott Blume, Adam Steinberg, at Rafael Prats, ang mga big boss ng Timezone na magdiriwang ng 40th anniversary sa susunod na taon.

Sa edad na 70, first time ko na pumasok sa TimeZone at naaliw ako dahil nakita ko ang mga game na kinaaaliwan at kinahuhumalingan ng mga bata.

May mga massage chair ang TimeZone Vertis North na perfect para sa mga senior citizen na katulad ko.

Si Rafael ang consultant sa Pilipinas ng Australian-based company. Ibinida ni Rafael na uncle nina John at Camille Prats na ang branch sa Vertis North ang kauna-unahan na TimeZone na may bowling lanes.

Ikinuwento rin ni Rafael na nagbukas ang first ever TimeZone sa Ayala Mall sa Cebu City noong 1997 at since then, dumami na ang branches nito.

Located sa third floor ng Vertis North ang TimeZone pero may puwesto rin ito sa 4th floor, katabi ng mga sinehan.

Sure ako na mag-i-enjoy ang mga bagets at ang kanilang mga magulang sa sosyal na branch ng TimeZone sa Vertis North na hindi lamang para sa mga bata kundi para rin sa mga young at heart.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with