^

PSN Showbiz

Joel Cruz pinaplano na ang bagong anak!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joel Cruz pinaplano na ang bagong anak!

Joel at mga anak

Mala-Julia Roberts daw kasi ang nanay

Buti pa si Joel Cruz, ang tinaguriang Lord of Scents at naisipang magpa-fundraising concert para sa pamilya ng mga sundalong napatay sa bakbakan sa Marawi.

Pinamagatang Awit sa Marawi…, bibida sa concert ang mga sundalo at pulis na mga singer na minsan ay napapanood nating sumasali sa mga singing contest sa noontime shows.

Gaganapin ito sa August 13, 2017, Sunday, AFP Theaters.

Ibinalita niya ang tungkol dito nang makausap namin last Wednesday night.

May mga kakausapin siyang mga singer na puwedeng mag-guest pero ayaw muna niyang ipabanggit ang pa­ngalan dahil kailangan niya munang i-confirm.

P3.5 million ang target niyang kikitain ng concert at so far, P3.2 na ang nag-commit sa kanya. “Pinilit ko ‘yung mga supplier ko, dealers, lahat sila kailangang bumili,” pahayag ni Joel na nag-iisang may-ari ng sikat na cologne na Aficionado. “And I’m confident na mabubuo ang P3.5 million na target namin,” dagdag niya pa.

“At least maipakita man lang natin na nandito tayo para sa kanila, at mga naiwang pamilya ng mga namatay na sa pakikipaglaban,” sabi pa ni Joel.

Base sa balita, almost 100 soldiers na ang nabiktima ng giyera sa Marawi sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute group.

Sa mga gustong mag-inquire, puwedeng tumawag sa 02-731-9628, 0922-8160900 and 0917-822-7825.

Nagkakahalaga ang mga ticket ng P5,000, P4,000, P3,000, P2,000 and P1,000.

Professional singing soldiers ang mapapanood kaya tiyak na masusulit ang inyong ibabayad bukod pa sa makakatulong pa nga sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

Makakasama rin ang veteran singer na si Token Llzares.

Meanwhile, sa ngayon ay may tatlong kambal na si Joel.

At noon ngang makatsika namin siya last Wednesday sa Okada Hotel, bitbit niya ang dalawang kambal.

Ang first set ay turning five this September – Prince Sean and Princess Synne.

Ang second set ay sina Prince Harry and Prince Harvey na almost two years old na.

At ang bunsong kambal, halos dalawang buwan pa lang, sina Charles and Charlotte.

At ang yaya ng anim na anak, walo na.

Russian ang mother ng anim na bagets.

Ang nauna at pangalawang kambal ay iisa ang ina pero ‘yung huling kambal ay kumuha na sila ng ibang ‘carrier’ dahil hindi na raw nito kayang magdala ng kambal ulit.

Pero hindi pa happy si Joel dahil nakaplano ang isa pang procedure.

Though hindi pa naman agad-agad. “Two years from now siguro,” sabi niya na yumaman sa cologne at pabangong Aficionado ang brand.

Sa ngayon, si Princess Synne pa lang ang nagtatanong ng “where’s my mommy.”

Mabilis naman daw ang sagot niya, wala siyang itinatago. “Sinabi kong nasa Russia. Wala naman akong planong ilihim sa kanila.”

Ang mga kapatid niyang babae ang tumatayong mother figure sa tatlong kambal.

Sa morning sila usually sila nagba-bonding ng mga bata.

Ang unang kambal ay nag-aaral  na – pre school.

Hands on mom/dad ba siya? Tinututukan daw niya ang mga bata or kung nagkataon namang busy siya, lagi siyang nakatawag sa mga yaya para i-check ang mga anak.

Mala-Julia Roberts daw ang features ng nanay ng kanyang mga anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with