^

PSN Showbiz

Showbiz couple na ‘di pa kasal bumibili na ng titirahan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Showbiz couple na �di pa kasal bumibili na ng titirahan!

Gibutyag sa tigpamaba sa Police Regional Office 7 nga si Police Senior Inspector Reslyn Abella nga hulipan na sa katungdanan si Police Chief Supt. Noli Taliño sugod karung adlaw nga Lunes ug adunay Turn Over of Command nga mahitabo sa maong adlaw. Ang mohulip kaniya mao si Police Chief Supt. Jose Mario Espino kinsa gikan sa Supervisory Office on Security and Investigation Agencies didto sa Kampo Crame. Clydyl Avila/File

Spotted sa isang idine-develop na residential area sa may Antipolo ang isang showbiz couple na matagal nang may relasyon at hinihintay ng kanilang fans kung kailan ikakasal. Wala pang masyadong bahay sa nasabing lugar pero maganda ang location. Malayo ito sa ingay ng tao at sasakyan.

Parehong may bahay ang couple, kaya lang, para sa kanilang pamilya ‘yun at maganda nga naman kung sakaling magpapakasal na sila ay bago ang kanilang bahay para sa kanilang magiging mga anak.

Nababanggit ng showbiz couple na three to four years pa nila balak magpakasal.

Bagong album ni Ogie mamahalin ang tunog

Kay Regine Velasquez namin unang narinig na maganda ang bago at unang album ni Ogie Alcasid sa Star Music na NakakaLokal.

Maganda ang album ni Ogie mula sa songs, arrangement at bagong tunog na dala ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra led by its music director Gerard Salonga. Nag-iba ang dating ng Kailangan Kita, ‘Di Na Muli at pati ang Do You Wanna Dance With Me. May medley rin sina Ogie at Regine ng Pangako, Kailangan Ko’y Ikaw, at Hanggang Ngayon.

Biggest album of the year ng Star Music ang NakakaLokal. Mahal siyang i-produce, sabi ng co-producer ni Ogie na si Jonathan Manalo, pero naniniwala sila na bebenta ito. Hindi lang pang-Spotify at iTunes ang album, mas maganda pa rin kung bibili kayo ng CD worth P350.

Isa sa track sa album ni Ogie ay gagamitin sa La Luna Sangre.  

May grand album launch ang Nakakalokal bukas, Sabado sa Robinsons Magnolia Atrium. Libre ito, kaya go na kayo.

Alessandra pinuri sa pagiging bulag sa Kita…

Birthday presentation ni Alessandra de Rossi kung tutuusin ang pelikulang Kita Kita nila ni Empoy Marquez dahil nagbukas ang movie last July 19, birthday mismo ng aktres. In all fairness, sa presscon ng movie ay hindi namin natandaan na sinabi ni Alex na birthday presentation niya ang movie na produced ng Spring Films.

Pero tiyak na tuwang-tuwa ito sa suporta ng mga kaibigan sa industry na pumunta sa celebrity screening ng Kita Kita at lahat sila ay positive ang feedback sa movie. Ang sabi, kinantahan si Alex ng Happy Birthday sa celebrity screening na for sure, ang nanguna ay ang boyfriend na si Marc Abaya.

Anyway, isa sa nabasa naming feedback ay ang kay Eugene Domingo na pinu-promote rin ang movie. “Napanood ko na ang movie, napakaganda, nakakatawa, nakakatuwa, nakakaiyak, nakakapagpakilig, at kung anu-ano pa ang nagawa niya sa diwa ng taong nanonood. Ang galing ng pagkakasulat at dahil sa pag-arte ng dalawang bida, napapaniwala ako na “love is blind.” Uulit-ulitin ko lang panoorin.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with