^

PSN Showbiz

BF ni Claudia super yaman, dinaig si Julia!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
BF ni Claudia super yaman, dinaig si Julia!

Basti at Claudia

Talo pa ng 17-year-old na si Claudia Barretto ang kanyang elder sister na si Julia Barretto sa pagkakaroon ng stable boyfriend since she was 15, si Basti Lorenzo, isang young golfer na nagmula sa buena familia.

Kung si Basti ang makakatuluyan ni Claudia balang araw, nakatitiyak na ito ng financial stability but that will only happen many years from now dahil may sarili pang pangarap ang ikalawang anak ng estranged couple na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Kahit pinasok na rin ni Claudia ang singing and recording, hindi ito nangangahulugan na pababayaan na niya ang kanyang pag-aaral.

Ang maganda sa boyfriend ni Claudia, very cool and supportive ito sa kanya kaya isa rin siya sa pinag­huhugutan ng teener ng inspirasyon.

Just like any other young sweethearts, they go out on dates and often hang out in their respective houses kapag libre ang kanilang schedule.

I wonder kung naipakilala na ni Claudia si Basti sa kanyang amang si Dennis Padilla?

Marami naman ang naniniwala na nag-level up na ang relasyon nina Julia Barretto at ng young actor na si Joshua Garcia kung pagbabasehan ang sightings sa dalawa in various occasions. Sweet sa isa’t isa ang dalawa lalo ngayong may ginagawa silang movie under Star Cinema na isinulat at pinamamahalaan ni Antoinette Jadaone.

Ang closeness nina Julia at Joshua ay nagsimula sa set ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) hit movie na Vince & Kath & James kung saan din nila kasama ang #Hashtags member-turned actor na si Ronnie Alonte.

Although parehong tanggap ng mga fans ang magkahiwalay na tambalan nina Julia  at Joshua at nina Julia at Ronnie, mukhang llamado ang loveteam nina Julia at Joshua ngayon  kahit pa napapanood sina Julia at Ronnie sa primetime TV series na A Love To Last.

Teacher Georcelle isinulat sa libro ang tagumpay

Hindi marami ang nakakaalam na ang sikat na dancer-choreographer ng popular dance group na G-Force na si Teacher Georcelle ay nasa pangangalaga  ng Viva Artists Agency, Inc. since 2013.

Ang Viva Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario ang nag-encourage kay Teacher Georcelle (Georcelle Dapat-Sy in real life) na gumawa ng sarili nitong libro para maka-inspire sa marami laluna sa mga mahihilig sumayaw na naisakatuparan naman sa pamamagitan ng Teacher Georcelle: The Force Within na nakalabas na ngayon sa lahat ng National Bookstore published ng VRJ Books Publishing, Inc., isa sa mga kumpanyang pag-aari ni Boss Vic.               

Married to Angel Sy na isa ring dan—cer with three kids – Jaya (16), PJ (12) at Gas (7), Teacher Georcelle and her husband ay meron nang naitayong dalawang kumpanya, ang G-Force Dance Center at ang production house na ASS Production.

Mula sa pagkabata ay hilig na talaga ni Teacher Georcelle ang sumayaw kaya at an early age ay pinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral sa academics at pagsasayaw.

Si Teacher Georcelle at ang kanyang G-Force ang nasa likod ng magagandang special dance production numbers ng mga singers and actors na napapanood linggo-linggo sa Sunday musical variety show on ABS-CBN every Sunday, ang ASAP Live.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with