^

PSN Showbiz

LJ ayaw nang ma-bad trip kay Paulo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
LJ ayaw nang ma-bad trip kay Paulo!

LJ

PIK: Kagaya ni Solenn Heussaff, nabagbag nang husto ang Lord of Scents na si Joel Cruz sa kalagayan ng ating mga sundalong lumaban sa Marawi. Isa kasi siya sa mga supporter ng ating kapulisan kung saan tumutulong siya sa mga pulis na lumaban ng basketball sa Amerika.

Pero ngayon ay gusto niyang tulungan ang pamilya ng mga sun­dalong pumanaw sa giyera sa Marawi. Naisipan niyang magkaroon ng concert na pinamagatang Awit sa Marawi na gaganapin sa AFP Theater sa August 13. Tampok dito ang mga Singing Soldiers at Policemen ng AFP at PNP.
Ayon kay Joel, ang dami raw talagang mga sundalong magagaling kumanta. Tiyak na magugustuhan daw ng mga manonood at mamamangha sila sa galing sa pagkanta ng ating mga sundalo at kapulisan.

“Sabi ko nga pati mga babaeng soldiers, parang hindi sila mga sundalo, ang gaganda talaga ng boses.

“Ang objective natin yung magtulung-tulong tayo. Fund-raising ito eh, hindi para sumikat sino man.

“Lahat ng mga Pilipino magkaisa na makita ng lahat na tayong mga Pilipino ay nagkaisa para sa mga sundalo natin na lumalaban sa Marawi, hanggang sa matapos ang giyera,” bahagi ng pahayag ni Joel.

Ang bilis daw nilang nabuo ang project na ito, dahil sa tulong ng mga kaibigan, kagaya ng Charity Diva na si Token Lizares na all-out din ang suporta sa ating mga sundalo at kapulisan.

May ilang kilalang celebrities daw na kaibigan ni Joel na iimbitahin din niyang mag-guest, pero ang bida raw talaga rito ay ang mga singing soldiers at policemen.

PAK: Nakini-kinita na naming sisikat ang bading na si Elsa Droga Mendoza na sumali sa Ms. Q & A ng It’s Showtime. Dalawang araw lang yata siyang nag-reign as Ms. Q & A, pero hanggang ngayon ay patuloy pa ring naisi-share sa Facebook ang mga nakakatawa niyang video clips sa mga pagsali sa iba’t ibang beauty contests.

May kakaiba siyang timing sa pagpapatawa at kampante siyang magpatawa kahit si Vice Ganda ang kasama niya sa entablado.

Mukhang may pasisikating bagong komedyante ang It’s Showtime, at puwede siyang itapat kay Super Tekla kung bibigyan din ito ng programa ng GMA 7.

BOOM: Imbitado kaya si Paulo Avelino sa 7th birthday celebration ng anak nila ni LJ Reyes na si Aki?

Pinaghandaan nang husto ni LJ ang kaarawan ng nag-iisa niyang anak. Sa July 24 talaga ang birthday ni Aki, pero bukas July 22 ang selebrasyon dahil weekend.

Tinanong namin si LJ kung imbitado si Paulo at kung ano ang partisipasyon ng Kapamilya actor sa selebrasyong ito.

“Ayokong sagutin ang tanong na yan. Huwag na lang,” paiwas na sagot ng Kapuso actress.

Sinundan namin ng tanong kung close pa rin ba si Aki sa kanyang ama, dahil nakikitang mas laging kasama ng anak ang boyfriend niyang si Paolo Contis.

“Saka n’yo na lang tanungin si Aki not me.

“I cannot talk on his behalf. In the future, tanungin n’yo na lang siya,” sagot na naman sa amin ni LJ.

Nakiusap siyang huwag na lang intrigahin ang paghahanda niya sa kaarawan ng kanyang anak, dahil gusto raw niyang maging memorable ang 7th birthday nito.

 “And I think this is the only opportunity na meron ako para bigyan siya ng ganyang party. Bilang nag-iisa lang naman siya, blessed din naman ako na makapag-provide sa kanya ng ganyang party. So, minsan lang ito,” pahayag ni LJ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with