^

PSN Showbiz

Isko Moreno buhay na naman!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Isko Moreno buhay na naman!

Isko

Isa sa maituturing na magandang appointment ni President Rody Duterte si dating Manila Vice Ma­yor Isko Moreno na akala ng mga sumusubaybay ay makukuntento na sa pagnenegosyo at tuluyan nang tatalikuran ang public service.

Mabuti na lamang at nakita ng pangulo ang magandang serbisyo na ibinigay nito kung kaya binigyan ng posisyon sa kanyang administrasyon bilang direktor ng North Luzon Railways Corporation (NLRC).

Marami ang naniniwala na muling ibibigay ng tumakbo bilang senador noong nakaraang eleksyon ang  isang mahusay na serbisyo na kinalugdan at ipinagkapuri ng mga kababayan niya sa lungsod ng Maynila.

Solenn at Andrea magpapagalingan

Kung isang abogado at vigilante ang role ni Solenn Heus­saff sa Book 2 ng Alyas Robin Hood aba, eh mapapalaban siya sa matindi ring aksyon tulad ng character ni Pepe na ginagampanan ni Dingdong Dantes na bihasa sa paggamit ng pana.

Magkakaroon kaya sila ng engkwentro ni Venus na gagampanan pa rin ni Andrea Torres na dati ay siyang assigned lamang sa action scenes, pero ngayon ay dalawa na sila ni Solenn?

McCoy mas priority ang pag-aaral

Mabuti naman at sa kabila ng kanyang kaabalahan bilang miyembro ng #Hashtags at pag-aartista kung saan ay ibini-build up ang loveteam nila ni Elisse Joson ay hindi napapabayaan ni McCoy de Leon ang kanyang pag-aaral.

Nasa ikalawang taon siya sa kursong civil engineering ngayon at ipinangako niyang walang magiging sagabal sa kanyang pag-aaral.

Naiintindihan naman siya ni Elisse kaya hinay-hinay lang sila sa kanilang relasyon. Mga bata pa naman sila at makapaghihintay ang pag-ibig. Focused muna sila sa trabaho.

Onyok may kapalit na!

Ang daming natuwa nang makita na kasama na sa Ang Probinsyano ang BFF ni Nayomi Ramos o Heart sa seryeng My Dear Heart na si Enzo Pelojero o Bingo. Sa rami ng mga kabataang kasali sa serye, mabilis umagaw ng atensyon ang batang unang nakilala sa kanyang paggaya kay Daniel Padilla.

Maiibsan ng presence ni Enzo ang pananabik ng manonood kay Onyok Pineda. Isang magandang karagdagan din siya sa grupo ng mga marunong umarteng mga bata.

Jennylyn hindi kinaiinisan kahit KSP

Hindi kinaiinisan ng mga manonood ng My Love From the Star si Jennylyn Mercado kahit madalas ay nagpapapansin ito. Hindi nagsasawa ang mga manonood na tumutok sa serye dahil kakaaliw ito bilang Steffi. Kaka-enjoy ang episode nito recently na todo-papansin kay Matteo, na ginagampanan ni Gil Cuerva, sa poolside. Hindi ito OA, talagang good vibes lang ang dala nito sa viewers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with