Dating Miss International na si Bea Rose kulang sa ganda ‘pag walang make up
Direk Brillante hindi na raw magpapaka-indie sa sona ng presidente!
Seen: Ang pangako ni Brillante Mendoza na wala nang artistic shots sa live telecast ng State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte sa Lunes, July 24.
Scene: Si Brillante Mendoza ang direktor ng SONA ni President Rodrigo Duterte noong July 2016. Binatikos ang direksyon ni Mendoza na punumpuno ng pretensyon.
Seen: Pumirma kahapon ng 5-year exclusive contract sa Viva Artists Agency si Janina Raval, ang bunso at 19-year old daughter ni Jeric Raval at ng former actress na si Monica Herrera.
Scene: Hindi mukhang beauty queen ang former Miss International na si Bea Santiago nang makita ito kahapon sa Ortigas Center. Ibang-iba ang mukha ni Bea kapag walang make up.
Seen: Ayaw tantanan si Charice Pempengco ng bashers niya na asiwang-asiwa sa kanyang trying hard na pagpapakalalake.
Scene: Magaganap sa Linggo, July 23, ang baby shower para kay Camille Prats at sa kanyang second baby na malapit nang isilang.
Seen: Sa July 31 ang Season 5 premiere sa E! ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality show ng Gutierrez family. Ang amazing weight loss journey ni Raymond Gutierrez ang highlight ng Season 5 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Scene: Lumipad sa London si Gretchen Barretto at ang kanyang partner na si Tonyboy Cojuangco dahil dadalo sila sa graduation ng kanilang unica hija na si Dominique.
Seen: Ang rant ni JC de Vera tungkol sa Cignal TV at PLDT. Kung makapagsalita si JC, parang hindi siya nakinabang sa TV5, ang sister company ng Cignal TV at PLDT.
- Latest