^

PSN Showbiz

Mga yaman ng sikat na actor, hawak na ng kanyang GF!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa kahit anong aspeto ng buhay ay wala ngang forever. Kasabihan lang ‘yun na gustong paniwalaan para maging positibo ang takbo ng mga bagay-bagay, pero sa bandang huli ay wala pa ring forever, sa hiwalayan pa rin nauuwi ang relasyon.

Nakakalungkot ang isang kuwentong nakara­ting sa amin tungkol sa matagal nang relasyon bilang magkatrabaho ng isang manager at ng kanyang alagang sikat na aktor.

Naging positibo ang kanilang tambalan, sumikat nang husto ang lalaking personalidad, kasunod ng popularidad ang isandaang porsiyentong pagganda ng estado ng kanyang buhay.

Galing sa hirap ang male personality, naranasan niya ang lahat ng klase ng paghihirap nu’ng bata pa siya, kaya nangako siya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat-lahat para mabago ang makupad na takbo ng buhay ng kanyang pamilya.

Hanggang sa pumasok na nga siya sa pag-aartista, pinagtataasan lang siya ng kilay ng marami nu’n, pero tiniis niya ang lahat ng mga komentong nakapagpapahina ng kalooban.

Sabi ng aming source, “Hanggang sa hawakan na siya ng manager na nagbigay ng katuparan sa mga pangarap niya. Bigla siyang napunta sa mainstream, sumikat siya, hanggang sa matupad na niya ang lahat ng dream niya para sa family niya,” kuwento ng aming kausap.

Puring-puri ng marami ang husay niya sa pag-aalaga sa kanyang pangkabuhayan showcase. Magaling siyang humawak ng pera, mga kapaki-pakinabang na bagay lang ang kanyang binibili, sa negosyo siya mahilig mamuhunan.

Balik-komento ng aming impormante, “Wala na ang dating manager niya. Mahirap idetalye ang nangyari, pero malalim ang dahilan.”

Gaano katotoo na ang humahawak na ng kabuhayan showcase ng sikat na aktor ay ang babaeng napakalapit sa kanyang puso? Ito na diumano ang nagmamaniobra ng salapi ngayon ng sikat na lalaking personalidad.

“Hindi naman siya ang bagong manager ni ____(ang sikat na aktor), pero siya na ang humahawak ng pera ng boyfriend niya. Magaling din kasi siyang humawak ng pera, pinahaha­lagahan niya ang mga pinaghihirapan niya, kaya pinagkakatiwalaan siya ng guy,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Noven na frame-up ng fan?!

Nakahinga nang maluwag ang mga tagasuporta ng Tawag Ng Tanghalan champion na si Noven Belleza nang lumabas ang balitang nakapagpiyansa na siya. Mas magandang balita ang kasunod nu’n, ibinaba sa sexual assault ang bintang na rape laban sa kanya, hindi siya makukulong habang dinidinig ang kaso.

Nu’ng mapanood namin ang footage habang naglalagak ng piyansa ang magaling na singer ay lungkot na lungkot kami. Bigla naming naalala ang mahaba niyang paglalakbay sa It’s Showtime bago siya itinanghal na kampeon ng Tawag Ng Tanghalan.

Ang napakapayak niyang buhay sa Negros, ang pagtulong ni Noven sa kanyang ama sa pagbubukid, ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral na hindi niya nagawa dahil sa kakapusan ng kanilang pamilya.

Pero dahil sa kanyang talento sa pagkanta ay nakakita ng liwanag si Noven para mabuo ang pira-piraso niyang pangarap. Maipagpapatayo na niya ng bahay ang kanyang pamilya, kahit maliit na sukat lang ay makabibili na siya ng bukirin na pagpa­palain ng kanyang ama, makapag-aaral na rin siya.

Pero biglang dumating sa kanyang buhay ang matinding indulto. Inireklamo siya ng rape ng isang babaeng nakasama niya sa Cebu nang maging guest siya ni Vice Ganda, natatakpan ng itim na jacket ang magkabila niyang kamay na nakaposas nang hulihin siya.

Ayon sa panig ng magaling na singer ay ibabangon niya ang kanyang imaheng nadagtaan sa korte, du’n niya isasalaysay kung ano ang tunay na nangyari, itinuturing pa ring inosente si Noven Belleza hanggang hindi napatutunayan sa korte na nagkasala siya.

Ang nangyari kay Noven Belleza, totoo man o imbento lang ang pagkakasangkot niya sa isyu, ay magbibigay ng magandang leksiyon sa mga kasamahan niyang personalidad.

Kapag dumadayo sila sa iba-ibang probinsiya ay kailangan ang ibayong pag-iingat. Hindi lahat ng nagpapakilalang tagahanga o kaibigan ay dapat pagkatiwalaan agad-agad.

Hindi natin hawak ang takbo ng utak ng ating kapwa. May mga nakatagong kuwento sa likod ng kanilang isip. May maganda at may hindi na maaaring magdala sa atin sa isang panganib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with