^

PSN Showbiz

Kris patol nang patol sa isyung ayaw na sa kanya ng ABS-CBN!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris patol nang patol sa isyung ayaw na sa kanya ng ABS-CBN!

Kris Aquino

Makulit din ang fans kuno ni Kris Aquino na paulit-ulit ang tanong kung kailan siya babalik sa ABS-CBN.

Parang nana­nadya na sila dahil alam naman nila na hindi na inte­resado kay Kris ang Kapamilya Network kaya hindi na siya binigyan ng show.

Hindi naman napapagod si Kris sa pagsagot sa tuwing tungkol sa comeback niya sa ABS-CBN ang tanong ng fans.

Intelligent girl si Kris. Malakas ang kanyang pakiramdam at alam na alam niya ang mga nangyayari sa paligid. Imposible na walang insider na nagsasabi kay Kris na wala nang plano ang dating mother studio niya na kunin uli ang kanyang serbisyo.

Klarong-klaro ang sinabi ni Kris sa nagtanong na fan na “They no longer want me-it is perfectly okay because we must be happy w/ God’s plans for our lives” kaya sa mga makukulit na fans ni Kris, please lang, itigil n’yo na ang pagtatanong tungkol sa kanyang kiyeme-kiyemeng pagbabalik sa ABS-CBN dahil malabo na itong mangyari.

Tanggap na tanggap ni Kris ang mga nangyari sa showbiz career niya kaya may tsismis na nagpaparamdam siya sa ibang television network dahil napakaimportante na may regular exposure sa free TV ang isang artista.

Senators Grace at JV pinaligaya ang Grab at Uber riders 

Happy na ang mga Uber at Grab riders dahil tuloy ang ligaya nila na hindi ikatutuwa ng mga taxi driver at taxi operators.

Nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Uber at Grab operators at ng LTFRB kaya hindi mababawasan sa July 26 ang bilang ng mga papasada na Uber at Grab.

Nakatulong sa positive result ng pag-uusap ang pag-iingay ng mga commuter, ang araw-araw na balita sa mga television news program at ang pakikisawsaw ng mga artista na imbyernang-imbyerna sa LTFRB pero hindi naman sumasakay sa Uber at Grab cars. Tulad nang sinabi ko, nakikisali lamang sila sa pag-iingay dahil feeling relevant at updated sa current events ang mga artista na kulang sa pansin.

May dapat ipagpasalamat ang commuters kina Senator Grace Poe at Senator JV Ejercito dahil dalawa sila sa mga nakakaintindi sa sitwasyon at reklamo ng mga kababayan natin na may trauma nang sumakay sa mga taxi na unti-unti nang nalulugi at malapit nang maging history bilang kulang ang malasakit ng mga driver nila sa mga pasahero.

AJ tapos na ang pagiging dancer,serious na sa pagiging action star

May nag-suggest kay AJ Muhlach na huwag nang mag-post ng dance videos niya sa kanyang social media accounts dahil ibini-build up siya ng Viva Films bilang action star.

Masunurin na bata si AJ kaya pinahalagahan niya ang payo dahil excited siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang career.

Action star na action star si AJ sa Double Barrel, ang launching movie nila ni Phoebe Walker.

Ang Viva Films ang producer ng Double Barrel at comeback movie ito ng action director na si Toto Natividad.

Kailangan ni AJ na isakripisyo ang love niya for dancing, alang-alang sa kanyang acting career. Half-brother ni AJ si Aga Muhlach kaya hindi surprising na mahusay rin siya na magsayaw tulad ng kuya niya.

Bagong AJ ang mapapanood sa Double Barrel dahil nagpatubo siya ng balbas at bigote. Nag-diet din siya nang todo para maging maskulado ang kanyang katawan. Walang mag-iisip na dating chubby kid si AJ dahil pumayat siya nang husto.

Showing sa mga sinehan sa August 2 ang Double Barrel. Visible sina AJ at Phoebe sa TV dahil masipag sila sa pagpo-promote ng kanilang pelikula na very relevant dahil may kinalaman ang kuwento nito sa giyera ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with