^

PSN Showbiz

Chynna dating Tomboy?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Chynna dating Tomboy?!

Chyna at Kian

MANILA, Philippines -  Kaya walang alam na luto

Gulat na gulat ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza nang sabihin na magiging co-host siya ng cooking show sa GMA News TV na Idol sa Kusina with Chef Boy Logro.

Yup, tulad ni Tita Susan Roces, aminado si Chynna na mas expert siya sa pagti-take out at zero knowledge sa pagluluto. 

Pero sa pagpasok niyang co-host sa Idol sa Kusina, hoping siya na matututo na siyang magluto at mapapakain na ng mga totoong pagkain ang mister na bokalista na si Kean Cipriano at more than a year nilang anak.

Kuwento niya kahapon, kung meron man siyang naluluto, sinigang lang. At instant ang ingredients. “Lahat naman kayang lutuin ‘yun,” pag-amin niya. Pagsama-samahin lang niya ang ingredients at ‘yun na.

At kahit ang favorite comfort food ni Kean ay hindi niya naluluto. Ito ‘yung beef tapa with gravy. Aminado siyang everytime na susubok siyang magluto, kailangan pa niya ng tulong ng mother-in-law.

Buti na lang daw at hindi maselan at demanding si Kean sa mga pagkain dahil alam nga nitong hindi naman siya magaling sa pagluluto kahit na nga nung bata pa siya ay naging chef siya sa programang Five and Up.

“Yogurt, coffee, sandwiches. Saka fruits. Ok na ‘yun,” sabi nitong natatawa kahapon nang humarap siya para nga sa announcement sa pagpasok niya sa Idol sa Kusina.

Ngayon ay excited na siyang matututo sa gawain sa kusina. “I am very excited to learn from the best. Wala talaga akong experience sa kusina. With their help alam ko makakaluto na rin ako masasarap na pagkain na puwede kong i-share kina Kean at sa baby namin at sa mga manonood,” sabi niya.

Pero alam daw niyang hindi masyadong madali dahil kahit pagbasag ng egg kailangan niyang pag-aralan ng tama.

Anyway, bago pala siya nag-asawa at nabuntis napagkamalan siyang tomboy ng mga katrabaho niya. “Tuwang-tuwa talaga sila na nabuntis ako, sinasabi nila ‘akala namin tibo ka,’” pag-aalala niya.

Aminado siyang strong ang character ng kababaihan sa kanilang pamilya pero hindi tomboy.

Sa ngayon ay balanced ang set up nila ni Kean at hindi siya nagseselos kung meron mang mga babaeng nagtitilian sa asawa. Natutuwa pa nga raw siya. At nang tanungin niya ang napangasawa kung ilan ang mga naging girlfriend nito bago naging sila, “hindi na raw niya alam. The usual na sagot ng lalaking maloko,” natatawa niyang kuwento.

Pero hindi niya na-imagine magkaanak muli sa kasalukuyan. Dumanas siya ng matinding baby blues (least severe form of post partum depression) at hindi niya alam kung paano uli pagdaanan ang nasabing journey.

Mapapanood na this Sunday ang unang episode ni Chef Boy and Chynna after ng Ang Pinaka… sa GMA News TV.

Awra superhero na, walang offer na humawak ng bato

Ay wala naman pala talagang offer si Awra Briguela na gumanap na Ding sa pelikulang Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

At hindi rin naman daw siya nag-e-expect dahil alam naman daw niyang hindi bakla si Ding.

 “Hindi ako nag-o-overthink na maging Ding ako kasi unang-una, hindi bakla si Ding. Ibang-iba ang personality niya sa personality ni Awra kaya hindi po ako nag-o-overthink o nag-e-expect na offer-an ako na maging Ding.

“Pero I wish and nagpe-pray ako na sana, offer-an nila ako kahit na iba ‘yung ano ni Awra kay Ding,” pagkaklaro niya kahapon sa speculations na siya nga ang gaganap na may hawak ng bato.

Pero hindi man siya gaganap na Ding, mauunahan pa niya si Liza na lumipad.

Makikilala siyang superhero sa pagganap ng breakout child star bilang si Super Ving, ang tagapagligtas na makapangyarihan at may pusong busilak sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving na magsisimula nang mapanood sa Linggo.

Isang mabait at mapagmahal na anak si Ving (Awra) na pinagmumulan ng kaligayahan ng kanyang mga magulang na sina Cris at Soffy, na gagampanan ng nagbabalik-telebisyong tambalan nina Roderick Paulate at Carmi Martin.

Simpleng namumuhay si Ving sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya ang superhero na si Super Bing (Ellen Adarna). Dahil sa kabutihang ipinakita ni Ving, magpapalit anyo siya bilang Super Ving matapos ipagkaloob sa kanya ang isang mahiwagang batong nagbibigay-kapangyarihan upang makapagligtas ng tao. Pero bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan, may mas malaking misyon siyang kailangang gampanan bilang Super Ving --- ang sugpuin si Reptilya (Bianca Manalo) at ang kasamaan nito.

Kasama rin sa palabas ang trending love team nina Kisses Delavin at Marco Gallo bilang sina Chelsea at Warren.

Mapapanood na ang Wansapanataym Presents: Ama­zing Ving simula ngayong Linggo (July 23). Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Alan Chanliongco.

                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with