PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kuwento ng Tubig Queen ng Cebu tampok sa Magpakailanman

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (July 8), handog ng Magpakailanman ang nakakaantig na kuwento ng viral sensation na si Jay Kummer ‘Dodoy’ Teberio o mas kilala bilang ang nag-iisang “Tubig Queen” ng Cebu City.

Lumaki sa mahirap na pamilya si Dodoy (Tekla), ngunit kailanman ay hindi niya ito hinayaang maging hadlang sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral. Upang kumita ng pera, nagsumikap siyang magbenta ng bottled water sa mga kalye habang suot ang mga makukulay at tawag-pansin na costume. Natuwa ang mga tao sa kanya, kaya inupload ang mga litrato at video niya sa social media na siya namang nag-viral at binansagan siyang “Tubig Queen”.

Dahil sa kanyang pagsusumikap, pagtitiyaga at determinasyon, nakatapos siya ng kursong Education major in Secondary Education at pinarangalan bilang isa sa mga outstanding youth ng kanilang lungsod. Hindi lang siya naging mabuting ehemplo sa mga estudyante kundi maging sa lahat ng nakakaalam ng kanyang kuwento.

Itinatampok sa episode na ito na pinamagatang Reyna ng Tubig: The Jay Kummer ‘Dodoy’ Teberio Story si Romeo ‘Tekla’ Librada bilang Dodoy, kasama ang all Bisaya-speaking cast na sina Kenneth Medrano, Nanette Inventor, Afi Africa at Stephanie Sol. Makakasama rin ang Cebuana actors na sina Eviane Soriano, Albert Vestil at Clare Sanchez.

Mula sa direksyon ni Mark Dela Cruz, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

Yaman ng Hong Kong, tina-target ni Kuya Kim

Samahan si Kuya Kim Atienza sa pagdiskubre sa mga yaman ng Hong Kong sa kanyang pagpas­yal Hong Kong ngayong Linggo (Hulyo 9), 9:45 ng umaga sa Matanglawin sa ABS-CBN.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Susubukan ni Kuya Kim ang mga kakaibang putahe sa Hello Kitty Chinese Cuisine tulad ng siopao na kasing laki ng plato bago tumulak sa Ocean Park para bisitahin ang iba’tibang klaseng hayop tulad ng wallabies, kookaburras, at golden snub-nosed monkey na nag-iiba ng kulay depende sa panahon. Makikilala rin ng Trivia King ang isang giant panda, na itinuturing na “national treasure” ng mga taga-Hong Kong.

Makisama sa kanyang paglalakbay sa makulay na kultura ng Hong Kong ngayong Linggo (Hulyo 9), 9:45 ng umaga sa pinaka-pinarangalang educational program sa bansa, ang Matanglawin sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: