^

PSN Showbiz

Aga mas pinili sina Dingdong at Enrique kesa kay Lea

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa wakas, pumayag na ring gumawa ng movie ni Aga Muhlach at sa Star Cinema ito. Sa halip na kina Lea Salonga at Dayanara Torres siya makipag­tambalan, mas pinili niyang makasama sa kanyang pagbabalik-pelikula sina Dingdong Dantes at Enrique Gil sa Seven Sundays.

I’m sure disappointed ang marami niyang fans na gustong mapanood siya sa isang love story. Sana naman sa pagitan ng pagiging judge niya ng Pinoy Boy Band ay nakumpleto na guwapong aktor ang kanyang pagpapapayat dahil kung hindi, magiging big brother o older friend lamang siya ng dalawang mas nakakabatang makakasama niya sa movie.

Jolo nagwo-workshop kay Jodi

Maraming boyfriend ang magdadalawang-isip bago aminin na mas magaling sa kanila ang ka­nilang mga girlfriend. Pero hindi si Jolo Revilla, ka­sa­lukuyang Vice Governor at nasa ikalawa nang termino sa Cavite.

Proud si Jolo kay Jodi Sta. Maria dahil sa malaki nitong ambisyon sa buhay kaya gagawing maisingit ang kanyang pag-aaral at ultimately ay makatapos ng kurso sa medisina. Napakahirap at maituturing na impossible mission ito dahil hindi lamang isang apat na taong kurso ang medisina kundi mahigit pa, dahil after niya ng Psychology ay sasabak pa siya sa post-med, internship, at specialization.

Mahabang pakikibaka ito kung kaya hindi mapi­gilan ng batang pulitiko na hangaan ang gagawing pagpupunyagi ng kanyang minamahal na isa ring mabuting ina ng kanyang anak. Bukod sa kanyang personal na adhikain, isa ring ma­ga­ling na artista si Jodi at hindi kabawasan sa pagkalalaki ni Jolo ang humingi rito ng pointers para sa kanyang muling pagbabalik sa pag-arte.

Handa na si Jolo sa kanyang muling pagharap ng kamera via a guest role in Ang Probinsyano. Nag-work out din ito kaya naman fit na fit na balikan ang dating trabaho na matagal na rin niyang na-miss.

Huli siyang napanood sa My Binondo Girl bilang suitor ni Kim Chiu bago siya naging pulitiko.

Ronnie biglang nagka-‘and’

Maitutuung na ring isang victory ni Ronnie Alonte ang pagkakalagay ng “and” bago ang kanyang pangalan sa billing sa isang katatakutang pelikula na tinatampukan nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Kasama rin ang tambalang Diego Loyzaga at Sofia Andres, pero walang naging billing problem sa kanila dahil siguro ngayon lamang sila nagsisimula bilang loveteam sa Pusong Ligaw.

Naging isyu kasi kung saan ilalagay sa billing ang pangalan ng Hashtag member na nagawang maiangat ang kanyang sarili sa ibang kabataang kasali sa cast ng movie.

In the end, ang produksyon na mismo ang nagpasya na tinanggap namang maayos ng lahat ng kinauukulan. 

In all fairness to Ronnie, na ewan ko kung bakit sinasabing pangit ang pagkakasama kina Joshua Garcia at Julia Barretto sa Vince & Kath & James, dahil ang dalawang nakasama niya sa movie ang nagkatuluyan in the end. Hindi naman siya napag-iwanan sa pag-arte ng dalawa niyang co-stars.

Naramdaman din marahil ito ng mga tao sa likod ng Bloody Crayons kung kaya ibinigay nila sa kanya ang what is due for him.

Sa trailer ng nasabing movie na bagaman at lubhang madilim ay pansin si Ronnie kaysa sa mga sinasabing mas sikat niyang co-stars.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with