^

PSN Showbiz

Sanya gustong sister-in-law si Barbie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magkasama uli sina Sanya Lopez at Thea Tolentino sa Haplos, ang Afternoon Prime ng GMA 7 na simula na ang airing sa July 10. Unang nagkasama ang dalawa sa The Half-Sisters kung saan, second lead si Sanya at bida-kontrabida si Thea.

Ngayon, bida na si Sanya, pero sabi ni Thea, hindi ito problema at masaya siya na bida na si Sanya at siya’y kontrabida uli.

Grateful si Sanya for Haplos, lalo’t kakaiba ang kuwento nito at kapareha niya uli si Rocco Nacino na kinakikiligan ng fans. Ang ganda ng tawa nito nang biruin ng press people na mapapadali ang pagbili niya ng SUV dahil sa bagong show.

In fact, this month na mapapasakanya ang dream car niyang Montero o kaya’y Ford Everest na babayaran niya ng cash.

Samantala, naaliw si Sanya sa tanong ng mga reporter kung okay sa kanya na maging sister-in-law si Barbie Forteza na girlfriend na raw ng kuya niyang si Jak Roberto

“Kung saan masaya si Kuya tanggapin ko lalo na si Barbie na super nice. She’s amazing. Magaling siya, mabait, sobrang kalog at idol ko siya. Magkasama kami sa The Half-Sisters.”

Hindi pa napag-uusapan nina Sanya at Jak si Barbie dahil hindi sila nagkikita at pareho silang busy. Pero pabor siya kung anumang relasyon meron sila.

Iza excited sa PPP

Ia-announce na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang listahan ng final entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Ang jury selection committee ay binubuo nina directors Joey Reyes, Erik Matti, Manet Dayrit, Lee Briones-Meily, Iza Calzado, Oggs Cruz, at Ricky Lee.

Post ni Iza sa Instagram, “Excited to share with you all the 12 films we have picked to be part of the festival which runs from August 16-22. Only Filipino films will be shown on those dates. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.”

Derrick muntik bumigay sa torture 

Malapit na ang transformation ni Derrick Monasterio sa Mulawn vs. Ravena mula sa kuba na si Rodrigo sa mulawin na si Almiro. Ang ganda raw ng eksena at tsika sa amin ay “glorious” ang unang eksena ni Derrick na may pakpak na siya.

Samantala, muntik palang mag-collapse si Derrick sa torture scene sa kamay ni Joko Diaz at mga kasama nito. Ibinitin siyang patiwarik at paulit-ulit na ibinabad sa tubig. Naka-ilang takes si Derrick dahil gustong maging perfect ang eksena hanggang nakaramdam nang panghihina na mabuti at napansin ni director Dominic Zapata at production staff.

Hindi pumayag si Derrick na may double siya dahil kung pumalpak ang eksena, siya ang masisiraan.

Relasyon ni Alessandra kay Marc ibinuko ng nanay!

Hindi sanay maging leading lady si Alessandra de Rossi kaya siguro, hindi pang-leading lady ang sagot sa mga tanong sa presscon ng Kita Kita, ang rom-com movie nila ni Empoy Marquez. Hinahaluan ni Alex ng come­dy ang mga sagot, pero hindi pa rin maikakailang maganda ang pelikula na may commercial run starting July 19.

“Na-touch ako na sa first rom-com movie ko at leading lady ako, si Empoy ang leading man ko, nakakaiyak. ‘Di siya tears of joy at marami akong emotion na naramdaman. Sobrang happy din ako na ginawa namin ang movie na ito para pabagsakin ang mga rom-com love team at parang nagtagumpay kami,” sabi ni Alex na ikinatawa ng press people.

Puwera biro, tsika ni Alex, nagsimula ang Kita Kita nang panga­kuan siya ni Lucky Blanco, isa sa producer ng Spring Films na igagawa siya ng pelikula na leading lady siya at ibi-break nila ang nakasanayan niyang roles. Okay daw sa kanya si Empoy na leading man dahil kung si John Lloyd Cruz, mas “maganda” pa raw ito sa kanya.

Samantala, nabanggit ni Alex na gagawin ng pelikula ang script niyang The Diary of 30 Something na lahat ng cast ay nasa 30 o kaya’y lagpas 30 years old.

Anyway, hindi sinagot ni Alex ang tanong sa status nila ni Marc Abaya. Pero may nagtsika na umamin si Marc sa isang kaibigan na sila na ni Alex. Saka, inilaglag si Alex ng mom niya sa Instagram (IG).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with