^

PSN Showbiz

Tickets sa concert ni Justin Bieber mas mura kesa kay Madonna at Coldplay

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Jennylyn nagiging Rufa Mae ang acting

SEEN: Habang nagtatagal, nagiging Rufa Mae Quinto ang acting ni Jennylyn Mercado sa Philippine adaptation ng My Love from the Star at hindi ito dapat pinalalampas ng direktor na si Joyce Bernal.

SCENE: Mukhang stand up comedian si Arjo Atayde sa fake wig na ipinagamit sa kanya sa Maalaala Mo Kaya. Ginampanan ni Arjo ang role ng fashion designer na si Rocky Gathercole sa life story nito na isinadula ng Maalaala Mo Kaya.

SEEN: Malaking hamon kay Sanya Lopez ang pagbibida niya sa Haplos ng GMA 7 dahil nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng programa. Kailangang mapatunayan ni Sanya na hindi nagkamali ang GMA 7 sa malaking break na ibinigay sa kanya.

SCENE: Delayed kahapon ng isang oras ang Philippine Airlines Manila to Tacloban flight PR4985. Kabilang sa pasahero ng delayed Tacloban flight si House Representative Lucy Torres-Gomez.

SEEN: Ang 50,000 seater na Philippine Arena ang venue ng Purpose Tour concert ni Justin Bieber sa September 30,2017. Mas mura ang ti­ckets para sa concert ni Justin kung ikukumpara sa ticket prices ng mga nakaraan na concert ni Madonna at ng Coldplay.

SCENE: Idea ni Regine Velasquez ang R3.0, ang title ng 30th anniversary concert niya sa Mall of Asia Arena sa October 21, 2017. Naisip ni Regine ang title na R3.0 dahil mahilig siya na mag-isip.

SEEN: Walang significance kay Regine Velasquez ang date na October 21. Pinili niya ang nasabing petsa dahil ito lamang ang available date na bakante ang Mall of Asia Arena.

SCENE: Hindi na dapat pinatulan ni Claudine Barretto ang social media follower niya na namintas sa hitsura ng kanyang adopted daughter. Kung palengkera ang follower ni Claudine, higit na nagmistulang palengkera ang aktres na may time para sa bashers niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with