PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Beteranang aktres na si Celia Rodriguez malayung-malayo ang ugali sa hitsura

Happy ako dahil may bagong teleserye sa GMA 7 si Celia Rodriguez.

Starring si Manay Celia sa Haplos bilang mambabarang, isang role na kayang-kaya niya na gawin kahit nakapikit ang kanyang mga mata.

Intimidating ang hitsura ni Mama Celia pero isa siya sa pinakamabait at thoughtful na aktres na nakilala ko, malayung-malayo sa contravida image na nabuo sa isip ng mga tao.

Ang mga nakakatrabaho niya ang makakapagpatunay na generous at napakabait ni Manay Celia. No wonder, mataas ang respeto sa kanya ng lahat.

Tonton nawalan ng raket sa Promise ni Ritz

Sa July 10 na ang airing ng Haplos dahil ito ang ipapalit sa D’ Originals na magbababu na sa July 7.

Mga artista ng Haplos sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Thea Tolentino, Patricia Javier, Francine Prieto, Pancho Magno, at Emilio Garcia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasama sa original cast si Tonton Gutierrez pero pinalitan ito ni Emilio Garcia dahil hindi pa naipapalabas ng ABS-CBN ang A Promise of Forever na launching teleserye ni Ritz Azul.

Noong nakaraang taon pa natapos ang tapings ni Tonton para sa teleserye ng ABS-CBN na hindi pa umeere at naging dahilan para matsugi siya sa cast ng Haplos.

Nag-promise naman ang Kapuso Network management na bibigyan si Tonton ng mga television guesting. Clueless pa ako kung kailan ilalabas ng ABS-CBN ang A Promise of Forever pero sure ako na hindi naman ito aabutin ng forever bago mapanood sa TV.

Baklitang si Super Tekla ng Wowowin lulong daw sa masamang bisyo

Hindi ko pa nakakausap si Willie Revillame kaya hindi ko pa alam ang katotohanan sa tsismis na tsugi na si Super Tekla sa Wowowin dahil sa isang pangit na bisyo.

The who si Super Tekla? Siya ang baklitang binigyan ni Willie ng malaking chance na maging co-host ng Wowowin.

Matulungin si Willie at naaliw siya kay Tekla kaya naging regular co-host ito ng top rating game show niya sa GMA 7.

Napakasuwerte ni Tekla dahil bigla siyang sumikat nang maging parte siya ng Wowowin. Isinadula pa ng Magpakailanman ang life story niya.

Dahil may name na siya, tumaas na rin ang talent fee ni Tekla sa mga out-of-town show pero nalulong umano sa masamang bisyo.

Sayang na sayang ang big opportunity na pinakawalan ni Tekla. Saan pa siya pupulutin kung true ang balita tungkol sa pagdispatsa sa kanya ni Willie?

Obvious na nalunod si Tekla sa isang basong tubig mula nang mabigyan ng big break sa TV. Mabilis na lumaki ang ulo niya na siguradong ide-deny ni Tekla na isa lamang sa maraming baguhan na nagkaroon ng mga bonggang oportunidad pero nagluka-lukahan.

Napapanood pa si Tekla sa mga episode ng Wowowin dahil taped ito. Malalaman natin ang the truth and nothing but sa mga susunod na episode ng game show ni Willie. Kapag wala nang Tekla na nakita, confirmed na jobless na siya dahil sa masamang bisyo na kanyang natutunan.

Sa true lang, hindi ako masyadong natatawa sa mga joke ni Tekla kapag pinapanood ko siya. Mas type ko pa nga si Donita Nose na nakakatawa ang mga hirit at pralala sa Wowowin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: