^

PSN Showbiz

Marian nakikita ang sarili kay Maine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Goma ayaw pa-istorbo sa pagmi-mayor!

PIK: Masayang-masaya si Ormoc Mayor Richard Gomez sa napaka-successful na pagdiriwang ng kanilang kapis­tahan kamakailan lang kung saan di­nayo pa ito ng media para i-cover ang kanilang Piña Festival.

First celebration ito ng kanilang piyesta na siya ang alkalde, kaya natutuwa siya sa magandang feedback sa kanilang pagdiriwang.

Nabanggit ni Mayor Goma na sobrang na-miss na raw niya ang showbiz, pero kailangan muna niyang isantabi dahil mas naka-focus siya sa mga responsibilidad niya sa Ormoc.

Nalulungkot din daw siya tuwing tumatanggi sa mga project na iniaalok sa kanya.

“Nakakalungkot talaga dahil I have to turn it down. Pero sabi nga, trabaho muna ako rito sa pagka-Mayor ko.

“Konting panahon lang. Siguro paisa-isa lang kaya naman siguro, huwag naman sunud-sunod.

“Abangan n’yo na lang siguro ang ginagawa ko sa social media, dun na lang muna,” pahayag ng Ormoc Mayor na si Goma.

PAK: Maraming nagti-text sa radio prog­ram namin na sana hindi na raw pinatay ang karakter nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa La Luna Sangre.

Karamihan sa mga nakapanood ay gusto nilang manatili ang mga bida ng Imortal.

Pero serye ito nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at sa kanila na ang focus ng kuwento.

Sabi naman ng KathNiel fans, kaya consistent daw na mataas ang rating ng La Luna Sangre kahit noong wala pa sina Daniel at Kathryn ay dahil suportado nila ito at sila mismo ang nagpu-promote.

Kaya tinitiyak nilang mananati­ling mataas ang rating nito dahil hindi bibitiw ang KathNiel fans.

Guesting lang naman daw talaga dun sina Angel at John Lloyd.

BOOM: Masayang ikinuwento sa amin ni Ma­rian Rivera sa grand ope­ning ng bagong shop ni Bambbi Fuentes sa Ayala Malls Serin sa Tagaytay noong kamakalawa lang na isa na raw ngayon sa mga taga-showbiz na itinuturing niyang BFF si Maine Mendoza.

Hindi pa lang daw sila lumabas para mag-bon­ding pero madalas silang nag-uusap at ang dami ngang nakapansin na netizens noong minsang um-order si Maine kay Marian ng flower arrangement sa kanyang Flora Vida.

Sabi nga ni Marian, hindi na raw kailangang bumili ni Maine, bibigyan na lang niya ito.

Ang isa raw sa ikinatuwa ni Marian sa Eat Bulaga sensation ay napakatotoong tao raw nito at ang sense of humor nito.

Parang nakikita pa raw niya ang sarili kay Maine, na pati raw sa pagsasalita ay parang siya rin.

Iilan lang naman daw ang maituturing niyang best friends sa showbiz at isa na nga rito si Maine.

“Sabi nga nila okay na ‘yung kakaunti pero totoo, kesa naman ang dami-dami hindi mo naman alam kung sino talaga ‘yung nandiyan para sa ‘yo.

“Parang nagkapalagayan kami ng loob ni Meng. Kasi nakikita ko talaga ‘yung sarili ko, ‘yung attitude ko sa kanya eh.

“Sabi ko nga, pinakagusto ko sa kanya ‘yung sense of humor niya,” pahayag ni Marian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with