^

PSN Showbiz

Jane Oineza ang laki nang inilusog

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

May ebidensya raw, marvin pinagbibintangang may karelasyong lalaki!

SEEN: Walang dapat ipaliwanag sina Marvin Agustin at Markki Stroem sa kanilang friendship na binibigyan ng malisya pero kung ayaw ng dalawa na matsismis, maging maingat sila sa pagpu-post sa social media ng vacation photos nila.

SCENE: Kinaiinggitan ang pagiging level-headed ni Markki Stroem dahil hindi nito pinapatulan ang mga pang-iintriga sa sexual preference niya. Walang maririnig na salita mula kay Markki, kahit kung kani-kanino na lamang siya pilit na iniuugnay.

SEEN: “Stage mother” si Teresa Loyzaga dahil nagpapakita pa rin siya sa mga presscon na pinupuntahan ng kanyang anak na si Diego. Nakabuntot uli kahapon si Teresa kay Diego sa presscon ng Bloody Crayons ng Star Cinema.

SCENE: Hindi agad nakilala ng entertainment writers si Jane Oineza nang dumalo ito kahapon sa presscon ng Bloody Crayons dahil lumusog nang husto ang katawan niya.

SEEN: Plano ni Viva Films producer Boss Vic del Rosario na bigyan ng pelikula si Regine Velasquez sa 2018. Naniniwala si Boss Vic na kayang-kaya pa ni Regine na magbida sa sariling pelikula.

SCENE: Nag-renew kahapon si Tom Rodriguez ng exclusive contract sa GMA 7. Apat na taon nang Kapuso si Tom na umingay ang pangalan nang gumanap siya bilang lover ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover noong 2013.

SEEN: Dalawang pelikula ang gagawin ni Dingdong Dantes bago matapos ang taon, ang Insomniac na pagtatambalan nila ni Anne Curtis sa Viva Films at ang Seven Sundays, ang pelikula ng Star Cinema na pagbibidahan nila nina Aga Muhlach at Enrique Gil.

SCENE: Third choice at hindi basta second choice sina Janella Salvador at Elmo Magalona sa Bloody Crayons, ang suspense thriller movie ng Star Cinema. Sina Joshua Garcia at Julia Barretto ang mga original choice bilang mga bida ng Bloody Crayons.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with