^

PSN Showbiz

Edu at Luis magkakasubukan ng galing sa Eddys!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Edu at Luis magkakasubukan ng galing sa Eddys!

Luis Manzano

Mukhang kinalawang si Edu Manzano sa matagal na panahon na hindi niya paghu-host sa TV. Ramdam ito ng mga nanood ng coronation night ng Miss Manila noong Linggo ng gabi.

Nakita ang uneasiness niya at kaba sa simula ng programa. Mabuti na lamang at magaling ang naging co-host niyang si Yassi Pressman na first time mag-host ng isang beauty pageant, pero hindi kinakitaan ng nerbyos na tulad ng kay Edu. Naka­bawi naman ang matagal nang napahingang TV host sa kalagitnaan ng pageant at nagawa nang maganda ang kanyang trabaho. 

Dasal naman ng loyal supporters ni Edu na ma­na­tili ang nabawi niyang confidence sa kanyang tra­baho sa paghaharap naman nila ng kanyang anak na si Luis Manzano sa awards night ng mga ka­totong miyembro ng SPEED (Society of Philip­pine Entertainment Editors) na kauna-unahang pagkakataon ay magbibigay parangal sa mga lokal na pelikula at artista sa Kia Theater sa July 9.

Sa ayaw at gusto ni Edu, mahuhusgahan kung sino sa ka­nila ng kanyang anak ang mas mahusay na TV host.

Going back to the Miss Manila pageant, hindi uma­yon sa mga kandidata ang mga inilagay sa ka­nilang make-up at istilo ng buhok. Hindi lumabas ang mga ganda nila at nagmukha silang mas matanda kaysa sa kanilang mga tunay na edad. Muli, binigyan ng bigat ang naging sagot ng mga kandidata sa dalawang  Q&A na pinagdaanan ng Top 15 at Top 5. Bukod sa maganda na, marunong sumagot ang nagwaging Miss Manila 2017 na si Maria Gail Tobes na unang sumali sa Binibining Pilipinas.

Shaina nahanap na ang magpapasaya

Itinatag ni Shaina Magdayao ang Smile Cares Foundation katuwang ang maraming non-showbiz moms. Ilu-launch ito sa June 29.

Sabi ng maganda at very much single pa rin na aktres at kapatid ni Vina Morales, ito raw ang pinag­kakaabalahan niya sa ngayon. After school program daw ito na franchise nila from the US.

Masaya rin siyang maki­pag-partner sa Yes Pinoy Foundation ni Ding­dong Dantes para sa kanilang pilot project.

Ito umano ang nagpapasaya kay Shaina sa kasalukuyan at hindi lovelife.

Janine may ibang type na

Mukhang si Marc Abaya pa ang makakaribal ni Rayver Cruz sa kanyang panliligaw kay Janine Gutierrez. Pero hindi ba taken na ang magaling na character actor? Sa kabila ng matagal nang panahon ang nakakaraan nang unang magka-crush si Janine sa kanyang kontrabida sa Legally Blind, inamin pa rin niya ang kanyang naging unang damdamin sa isang lalaki at hindi sinabi kung ito ay lumipas na o nananatili pa.

Ano kaya ang mararamdaman ni Marc kapag nalaman ito?

Marlo minamalas ang puso

Hindi lamang naman si Shaina Magdayao ang mukhang minamalas sa pag-ibig. Matapos maagaw ni Elmo Magalona kay Marlo Mortel si Janella Salvador ay mukhang hindi pa nagagawang mag-move on ni Marlo sa kanyang loss. Hindi naman siguro kaila sa lahat na nagkaroon siya ng pagtingin sa kanyang nakapareha sa Oh My G! It’s so unfortunate na iba ang itinakda sa kanya ng kapalaran at ito ang dapat niyang tanggapin agad-agad para siya makapagpatuloy ng kanyang career.

Beteranang singer na si Sylvia La Torre tumanggap ng parangal

Marami sa millennials ang hindi na kilala si Sylvia La Torre. Pero tanungin mo ang mga magulang nila’t mga lolo’t lola at siguradong matatandaan nila ang napakagaling na singer na naging matagumpay ding artista sa kanyang mga pagpapatawa. noon. Bukod sa kilala sa kanyang mga talento ang bete­ra­nang artista, kilala rin ito sa kanyang “Filipino custom no touch” rule. Hindi ito nagpapasagi maging ng kanyang daliri sa mga nakakasama niyang artistang lalaki. 

Tumanggap siya ng award na Excellence in Music sa Filipino American Symphony Orchestra (FASO) 1st Awards Night. Panauhing pandangal si VP Leni Robredo at guest performer si Jhoanna Garcia. Sa gulang na 84 kumakanta pa si Slvia nakipag-duet ito sa isang dating miyembro ng Madri­gal Singers. Doktor ang asawa ng singer at isa sa mga anak niya ay kumakanta rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with