^

PSN Showbiz

Dayanara tuluyan nang inayawan ni Aga

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano na kaya ang nangyari sa planong pagbabalik-showbiz sa Pilipinas ng 1993 Miss Universe at ex-girlfriend ni Aga Muhlach na si Dayanara Torres matapos itong dumating sa Pilipinas last February 2017?

It’s been four months nang muling umalis si Yari (palayaw ni Dayanara) pero wala pa tayong nababalitaan kung tuloy ba ang muli nitong paggawa ng pelikula sa bakuran ng Star Cinema, a reunion movie with her ex-boyfriend or a movie with Star Magic’s lead actor na si Piolo Pascual na gustung-gustong makapareha ng dating Miss Universe-turned actress.

Sa naging panayam kay Yari sa kanyang recent Manila visit, inamin nito na sobra umano siyang nasaktan nang magkahiwalay sila ni Aga na naging nobyo niya sa loob ng limang taon.

Tulad ni Aga at asawa nitong Miss Universe finalist na si Charlene Gonza­les na may teenage twins na sina Andres at Atasha, si Yari ay may dalawa ring anak sa kanyang ex-husband ang Latin singer na si Mark Anthony na sina Christian (16) at Ryan (13). 

Sina Yari at Aga ay nagkasama sa pelikulang Basta’t Kasama Kita in 1995 under Star Cinema.

Since uso na rin lamang ngayon ang mga reunion flicks among ex-couples, why not a reunion movie nina Aga at Dayanara?

Ano sa palagay mo, Salve A?

Hayden at Vicki Belo ‘di na matitibag!

Official nang Mrs. Hayden Kho ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo matapos silang ikasal ng kanyang boyfriend of twelve years in a civil wedding officiated by Makati Mayor Abigail Binay. Kasama ng couple ang kanilang two-year-old daughter na si Scarlet Snow.

Sina Dra. Vicki at Dr. Hayden ay nakatakda ring pakasal sa Paris this September.

Sa rami ng pinagdaanang trials ng relasyon nila Dra. Vicki at Dr. Hayden na umabot pa sa kanilang (pansamantalang) paghihiwalay, na-realize ng dalawa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Ang dalawa pang couple na nakatakdang ikasal bago magtapos ang taong kasalukuyan ay sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan.

Matinee idol noong 80’s hindi na makilala

Alam mo, Salve A., kamuntikan naming hindi makilala ang isang dating matinee idol in the 80’s sa isang grocery.

Katunayan, hindi ko siya kaagad namukhaan kung hindi namin ito nakita nang malapitan nang magkasunod kaming pumila sa counter ng kahera at doon nagkagulatan.

Walang-wala na sa hitsura ng actor ang trace ng isang matinee idol dahil nagpabaya rin ito sa kanyang sarili at na-involved umano sa drugs before.

Hiwalay na rin ang nasabing actor sa kanyang celebrity wife kung kanino siya may mga anak.

Alma ayaw sukuan si Mark

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagdarasal at umaasa ang dating sexy star at politician na si Alma Moreno sa paglaya ng kanyang panganay na anak sa yumaong action star na si Rudy Fernandez na si Mark Anthony Fernandez na walong buwan na ring nakakulong sa provincial jail ng Pampanga dahil sa droga.

Kapag walang commitments si Ness (palayaw ni Alma) ay parati itong nasa Pampanga para dalawin ang nakakulong na anak.

Sising-sisi umano si Mark sa nangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with