^

PSN Showbiz

Hollywood movie ni-reject ni Liza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Hollywood movie ni-reject ni Liza

Liza Soberano

Isang pelikula sa Hollywood daw ang tinanggihan ng kampo ni Liza Soberano dahil hindi talaga kaya ng schedule ng aktres. Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz ay magbibida dapat si Liza sa isang international film.

“Bida siya kaya lang hindi nila ma-swak sa schedule. Isang movie ang offer na siya ang bida. Hollywood movie. Hindi lang nila alam kung sino ang makakasama nito. Maganda ang kwento at gusto ni Liza. Ang problema nga lang, saan namin siya isisingit,” bungad ni Ogie.

Bukod dito ay naimbitahan din daw ang aktres ng Netflix para sa isang event sa Singapore. “Inimbitahan siya nito, ang problema rin ay wala kaming maibigay na schedule dahil puno hanggang December. Hindi naman namin mapagbigyan ang mga imbitasyong ito. Kasi nga ang mga schedule niya ay inilaan na namin para sa Darna. ‘Yung sa Netflix, hindi ‘yun para maging star sa isang series. Gusto lang siyang makilala, makita at gusto nilang mag-grace si Liza ng okasyon nila sa Singapore,” dagdag pa ni Ogie.

Loisa hirap mag-ingles

Wala ng komunikasyon ngayon sa pagitan ng dating magkatambal na sina Loisa Andalio at Joshua Garcia. Ito ay matapos na makatambal ng aktor si Julia Barretto na sinasabing espesyal ngayon sa puso ni Joshua.

“Wala na po, parang mahirap din. Dati kasi lagi kaming magkasama sa taping and after no’n nagkaroon agad ng ibang ka-love team and siya may ibang love team din. Iba na ‘yung priority namin,” pagtatapat ni Loisa.

Laking pasasalamat ng dalaga dahil kahit nagkaroon ng ibang katambal si Joshua ay namamayagpag naman ngayon ang kanyang singing career. “Laban lang po talaga, as in. ‘Yon din po ang nababasa ko dati na dahil wala na akong ka-love team, mawawala na ako. Nandito pa rin ako to prove na hindi naman kailangan ng love team din para sumikat talaga,” nakangiting pahayag ni Loisa.

Samantala, aminado ang baguhang aktres na hindi siya sosyal at hindi siya mahilig magsalita ng Ingles dahil nahihirapan siya rito. “Hindi talaga kasi ako ma-Ingles na tao. Sa taping nga kapag may lines ako na English, Tatagalugin ko na lang. Mas confident ako rito, sa pagbitaw ko ng linyang ito. As in kahit may kausap akong inglisero, ang sagot ko sa kanya Tagalog. Naiintindihan ko naman ‘yung sinasabi nila, hirap lang ako i-express kaya Tinatagalog ko,” paliwanag ng dalaga.

“Hindi po kasi talaga ako lumaki sa pamilyang Inglisero at Inglisera, tagalog po talaga kami. Laking kalye rin po kasi talaga ako at lagi akong nasa labas ng bahay namin,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with