^

PSN Showbiz

Marian bumiyahe sa Tagaytay para sa kaibigang si Bambbi Fuentes

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian bumiyahe sa Tagaytay para sa kaibigang si Bambbi Fuentes

Marian Rivera

Congrats kay Bambbi Fuentes dahil pormal na nagbukas kahapon sa Ayala Mall sa Tagaytay City ang bagong branch ng beauty salon niya.

Holiday kahapon kaya maraming tao sa Ayala Mall na nabulabog dahil sa pagdating ni Marian Rivera, ang special guest ni Bambbi sa ribbon cutting ceremony.

Hindi puwedeng mawala si Marian sa grand opening ng Bambbi Fuentes Salon sa Tagaytay City dahil BFF sila ni Bambbi na make up artist niya mula pa noong mag-umpisa siya sa showbiz.

Base sa rami at reaksyon ng mga tao na na-sight ko sa opening ng beauty shop ni Bambbi, sure and confident ako na tatangkilikin nila ang Tagaytay branch ng Bambbi Fuentes.

High-end mall nina Manny at Cynthia Villar bonggang-bongga!

Kahapon ang blessing ng parlor ni Bambbi pero Linggo pa lang, bumiyahe na ako sa Tagaytay City dahil ayokong ma-stress sa traffic.

Matagal na akong hindi nakakapunta sa Tagaytay kaya shocked ako sa malaking pagbabago sa kalsada na dinaanan namin.

Parang Metro Manila na rin ang Sta. Rosa, Laguna dahil sa rami ng mga business establishment. Hindi nakaligtas sa atensyon ko ang bongga at high-end mall nina Papa Manny Villar at Senator Cynthia Villar. Parang kailan lang, bakante ang lupa na kinatitirikan ng mall nila at ng kanilang All Home store.

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit gusto pa rin ni Alden Richards na mag-uwian sa bahay nila sa Sta. Rosa City dahil wala na itong ipinagkaiba sa Metro Manila.

Ibang-iba na rin ang Tagaytay City dahil dumami na ang mga restaurant, condominium buildings at malls.

Nag-overnight kami nina Gorgy Rula at Salve Asis sa Boutique Hotel ng Pamana sa Tagaytay.

Bonggang-bongga ang Boutique Hotel na pag-aari nina Happy Ongpauco Tiu at ng kanyang BFF na si Alana Montelibano.

Classy ang Boutique Hotel, masisipag at mababait ang staff. From the moment na pumasok kami sa door at nag-check out, asikasung-asikaso kami.

Feeling mo nga, nasa bahay ka at ang pagkain worth it sa malayong biyahe ha?

Pero nagkaroon ako ng pakiramdam na parang ang layu-layo ng Alabang at Tagaytay dahil sa rami ng mga sasakyan at sa trapik samantalang dati naman, parang ang dali ng biyahe. Ito na nga yata ang epekto ng progress.

Kung magbabakasyon o magagawi kayo sa Tagaytay, make sure na makakapunta kayo sa Pamana o sa Boutique Hotel.

Magmamalaki kayo na meron pala tayong ganitong mapupuntahan na overlooking ang Taal Volcano, ang sarap ng hangin, ang sarap ng pagkain at grabe sarap ng service, feeling royalty ka.

May Pamana restaurant din sa Quezon City, sa tabi ng ABS-CBN. Masasarap din ang pagkain pero iba ang ambience sa Pamana sa Tagaytay City. Kung malapit nga lang ang Tagaytay sa Quezon City, sure na mapapadalas ako sa Boutique Hotel na always fully-booked kaya kailangan ng reservation. Maraming salamat kay Happy sa pag-iimbita niya sa amin sa Boutique Hotel!

At dahil may pasok na ngayon, trapik sa Tagaytay City kahapon dahil lumuwas na sa Metro Manila ang mga bakasyonista. Maraming daan pabalik sa Maynila pero masyadong mahaba ang distansya. Pinakamadali na bumalik sa Maynila via Sta. Rosa exit na daanan ng lahat ng mga sasakyan kaya dusa ang trapik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with