^

PSN Showbiz

James susubukan mag-isa

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Aber, tingnan nga natin kung masasapawan ni James Reid sa 20 Again si John Lloyd Cruz sa I Finally Found Someone sa pagpapareha nila ni Sarah Geronimo kahit hindi full length dahil Koreano ang tala­gang magiging leading man ni Sarah at hindi si James.

Eksperimento marahil ito ng Viva at maging ng Star Cinema para malaman kung pwede nang pakawalan si James nang mag-isa, kung hindi na nito kailangan pa si Nadine Lustre.

Malalaman din kung kaya ba siyang dalhin ng isang Sarah Gero­nimo.

May dalawa pa namang movies sila na gagawin ni Nadine ano man ang maging resulta ng pansamantalang paghihiwalay nila. 

Helen ‘wag sana kalimutan ang pag-arte

Kung may dapat magkaroon ng cooking show sa TV, si Helen Gamboa-Sotto ito. Saksi ako noong nagsisimula pa lamang akong pumalaot sa pagsusulat ng tungkol sa mga artista. Food ang madalas na ipangregalo niya sa mga kaibigan sa media at maging sa mga kapwa artista kapag may mga espesyal na okasyon.

Madalas din akong makasama sa pang-iimbita niya sa kanyang bahay para lamang ipatikim ang mga iniluto niya. Sayang at maagang nawala si Charito Solis na ang hilig sa pagluluto ay ganun na lamang dahil baka isa na rin itong host ng isang cooking show. Madalas itong magpakain sa kanyang shooting at ipinagmamalaki ang paboritong roast pork.

Ganito rin yata ang sistemang gagawin ni Helen sa kanyang cooking show, magpapadala siya sa magiging guest niya ng mga pagkaing iluluto sa show? 

Tama lang na mag-host si Gng. Sotto ng isang cooking show, pero sana ay hindi niya makalimutan ang kanyang pagiging artista rin.

Loisa humaba ang mukha sa kaka-diet! Sue kailangang magbawas ng timbang

Lumiit nga ang pangangatawan ni Loisa Andalio sa ginagawa niyang pagpapapayat, pero sa halip na makadagdag sa kanyang ganda ang pagbawas ng timbang ay mas humaba pa ang kanyang mukha.

Kita ito sa mga huling larawan na kuha sa kanya. Hindi naman siya mataba, pero ewan at na-obsessed yata siya sa pagpapapayat.

Sa grupo nilang magku-concert sa Music Museum, kung may dapat sigurong magdyeta, ito ay si Sue Ramirez para hindi siya ma-consider na ate ng tatlo niyang kasamahan, na sina Kristel Fulgar, Maris Racal, at ni Loisa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with