^

PSN Showbiz

AiAi at Gerald tuloy na tuloy na ang kasal sa December

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kaya pala may naganap nang pamamanhikan kina AiAi delas Alas ang parents ni Gerald Sibayan ay dahil sa December na ang kanilang kasal. Nag-post kasi si AiAi ng picture niya sa Instagram (IG) na naka-wedding dress, kaya nagtanong ang isa niyang follower kung ikakasal na siya.

“Yes sa dec” ang sagot ni AiAi, kaya nauna na siyang i-congratulate ng kanyang followers.

Magiging star-studded tiyak ang wedding nina AiAi at Gerald sa rami ng friends ng komedyana from showbiz. Nasulat na si Marian Rivera ang sasagot sa wedding dress ni AiAi at may mga nabanggit na itong kuku­ning ninong at ninang.

Angelika wala pang balak iwan ang pagiging konsehal

Si Angelika dela Cruz pa lang ang government official na hindi nagmamadaling tumakbo sa higher position. Konsehal sa Malabon ang aktres at may mga kumausap sa kanya noong nakaraang election na tumakbo ito sa mas mataas na position. Tumanggi ito dahil kawawa raw ang mga maiiwan niyang tao.

Alam ni Angelika na ‘pag wala na siya sa konseho ng Malabon ay papalitan ang mga tao niya. Naaawa siya sa mga mawawalan ng trabaho lalo’t loyal ang mga ito sa kanya. Saka, marami pa siyang project na hindi natatapos, kaya saka na niya iisiping mag-seek ng higher position.

Ang pagiging konsehal din ang isa sa mga rason kung bakit umabot ng one year na wala sa showbiz si Angelika. Bukod sa pagiging konsehal, nag-aalaga pa siya ng asawa at mga anak. Hindi lang nito natanggihan nang tawagan siya ni Sunshine Dizon para sa role ng Ika-6 Na Utos.

Naka-ilang taping days palang si Angelika sa Ika-6 Na Utos at nag-i-enjoy na siya bilang ang kontrabidang si Geneva. Expected na niyang marami ang maha-high blood sa kanya kapag sobra na ang pang-aapi niya kay Sunshine.

Aiza success ang sorpresa sa birthday ni Liza

Simple pero masaya ang salubong birthday party ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño noong Saturday, June 24 sa CommunEaty sa may Roces.

Si DSWD Sec. Judy Taguiwalo at ang parents ni FDCP Chair Liza ang special guest at isa sa highlight ang performance ni National Youth Commission (NYC) Chair Aiza Seguerra. Nag-enjoy pati ang ibang diners sa food park sa performance ni Aiza.

Kuwento ni Liza, magtatampo na sana siya kay Aiza dahil parang wala man lang ginagawa para sa birthday niya (kahapon ang birthday ni Liza). Napansin lang niya na may mga hinihiwang kamatis at pini-prepare na salted egg at maraming nilulutong adobo ito.

Hindi alam ni Liza na naghanda ng surprise party si Aiza at nag-imbita via

Facebook. Kaya laking gulat nito nang may mga balloon at present ang pamily’at mga kaibigan sa food park.

Pagpapalit ni Charice ng pangalan maingay pa rin sa ibang bansa

Patuloy na ibinabalita sa international media at ang pagpapakilala kay Jake Zyrus aka Charice. Ang latest na nagbalita at nag-congratulate kay Jake ay ang Movie Pilot na ang sabi “Congratulations to @jakeZyrus for being so brave.”

Ibinalita rin si Jake ng Publimento MX ng Mexico, TVN ng Chile, Tracara ng Serbia, Cosmpolitan UK, AOL Entertainment, Huffington Post, MTV UK, at LGBT websites worldwide.

Puno ipinangalan kay Miguel

Nakakatuwa si Miguel Tanfelix dahil ipinangalan sa karakter niyang si Pagaspas sa Mulawin vs. Ravena ang punong itinanim sa tree planting na ginawa nila sa Northern Tacloban National High School.

Nakasama ni Miguel sa Tacloban at tree planting sina Derrick Monasterio, Bianca Umali, at Dion Ignacio. Nagkaroon din ng mall show sa Robinsons Place ang apat.

Hindi lang entertainment ang hatid ng Mulawin vs. Ravena. May advocacy din ang fantaserye sa pag-aalaga sa kalikasan. Madalas nilang isinasama sa story ang pag-aalaga sa nasisirang kalikasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with