^

PSN Showbiz

Bailey at Ylona nagkawanggawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Sabado ay isang charity event ang ginawa nina Bailey May at Ylona Garcia para sa mga kabataan ng Christian Mission Service.

Ginawa ito ng dalawa bilang pasasalamat para sa mga biyayang patuloy nilang natatanggap ngayong ikadalawang taon na nila sa show business. “Actually nag-organize po ‘yung fans namin. No’ng narinig ko po ‘yung idea nila, gustung-gusto ko po talaga. I mean every time we celebrate, kami ni Bailey, we want to celebrate it not just for the two of us, but for everyone. Especially we want to show people that we should be aware of the children,” nakangiting pahayag ni Ylona.

“I feel very happy because seeing these kids, they seem to be very happy. It’s the best to give back to people especially when you’ve been given blessings. It’s also nice to share your blesings with other people and we have been very blessed to do this event and kami ni Ylona,” pahayag naman ni Bailey.

Samantala, ngayong linggo ay nakatakdang mag-record ng bagong kanta ang BaiLona na kailangan daw pakaabangan ng kanilang mga tagahanga. “It’s a mixture and we want to make sure that it is our style and it’s also bago like ‘yung mga music ngayon. It’s all beats and beats, gusto namin ‘yun ang mga style namin ni Bailey,” pagbabahagi ni Ylona.

Jane nabaitan kay Angel

Kamakailan ay nakasama ni Jane Oineza si Angel Locsin sa Maalalaa Mo Kaya.

Isang malaking karangalan daw para kay Jane na makatrabaho ang isang tinitingalang aktres. “Sobrang bait niya. As in super bait. Noong una kinakabahan ako kasi siyempre Angel Locsin na ‘yon, pero hindi, sobrang bait niya,” bungad ni Jane.

Hindi raw makalilimutan ng dalaga nang makilala ang letter sender ng episode na nasa bilangguan pa rin ngayon. “Kasi nag-taping kami sa Correctional, nando’n pa rin sila. Natamaan ako sa puso nang na-meet namin sila. Nakakaiyak, tapos niyakap pa nila kami,” kwento ni Jane.

“Before namin sila ma-meet, may ginawa kaming scene na mabigat. Sabi nila, sila rin daw naiyak and thank you raw kasi ipalalabas ang kwento nila,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, sa July 12 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Bloody Crayons kung saan kabilang si Jane.

Sina Janella Salvador at Elmo Magalona ang mga pangunahing bida sa nasabing proyekto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with