^

PSN Showbiz

Laglag sa Binibini bagong reyna ng Miss Manila

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Success ang bongga na coronation night ng Miss Manila 2017 noong Sabado sa PICC Plenary Hall.

Happy ang mga nanood sa resulta dahil para sa kanila, deserving na mag-win si Maria Gail Tobes na beauty and brains. Hindi nakapagtataka na nanalo si Gail dahil si Jonas Gaffud at ang Aces & Queens ang naghanda sa kanya sa pagsabak niya sa Miss Manila 2017. Nag-join na pala si Gail sa Bb. Pilipinas pero hindi nag-win. Abangan na lang natin kung sasali pa rin siya sa Bb. Pilipinas pagkatapos ng reign niya bilang Miss Manila.

Ang iba pang winners ay sina Geri Franchesca Camargo (1st runner-up), Diana Mackey (2nd runner-up), Sofia Sibug (3rd runner-up) and Naelah Alshorbaji Almazik (4th runner-up).

Pia blooming na blooming

Lalong nadagdagan ang prestige ng Miss Manila 2017 dahil judge si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ang sabi ng PICC audience, mas maganda ngayon si Pia kesa noong  hawak pa niya ang korona at title  ng Miss Universe 2015.

Iba talaga ang nagagawa kapag confidently beautiful with a heart ang isang babae. Sa rami ng mga bonggang ganap sa buhay ni Pia, natural lang na lalong mag-bloom ang beauty niya, bukod pa sa unconditional love na ibinibigay ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Erap at Loi suportado ng mga anak

Suportado ng Estrada family ang Miss Manila 2017 dahil present ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ni Manila City Mayor Joseph Estrada, maliban kay Papa Jinggoy na detained pa rin sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Dumalo sa coronation night ng Misss Manila 2017 ang MARE Foundation Chair Emeritus at former First Lady Loi Ejercito at ang kanyang mga anak na sina Jude at Jackie.

Si Jackie ang successor ni Mama Loi bilang chair ng MARE Foundation at tulad ng kanyang ina, maraming natutulungan ang foundation, sa ilalim ng pamumuno niya.

Ang Viva Live ang produ ng Miss Manila kaya present din si Boss Vic del Rosario at ang kanyang anak na si Vincent.

Napanood kagabi sa ABS-CBN ang Miss Manila 2017 kaya walang tulog ang staff ng Viva Live dahil tumulong sila sa editing.

Nadine at Sarah nanggulat

Mga hurado sa Miss Manila 2017 ang Viva Artists Agency stars na sina Nadine Lustre at Sarah Lahbati. Gandang-ganda ang mga tao kay Sarah na pam-beauty queen ang beauty at ang height. Ginulat ni Nadine ang audience dahil sosyal na sosyal na ang hitsura niya. Very different sa Nadine na ipinakilala noon bilang lead star ng Diary ng Panget.

Natuwa ang PICC Plenary Hall audience dahil may mga kandidata na kalokalike nina Nadine at Sarah. Dahil major sponsor ng Miss Manila ang Viva, may chance na maging artista ang nanalo at ang kanyang mga runner-up. Ang kontrata sa Viva ang isa sa mga premyo na matatanggap ni Tobes at ng mga runner-up nito.

Beauty queen na ina hindi nakakalimutan ni Erap

Taun-taon, hindi nakakalimutan ni Papa Erap na banggitin ang kanyang namayapang ina sa welcome speech niya sa coronation night ng Miss Manila.

Beauty queen ang nanay ni Papa Erap na si Maria Marcelo na Miss Carnival Queen noong 1925. Binuhay ni Papa Erap ang Miss Manila bilang tribute niya sa kanyang ina. Maganda ang nanay ni Papa Erap at minana ito ng mga anak niya na naging mga sikat na aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with