^

PSN Showbiz

Kamukha ni Pia Wurtzbach kulelat sa Miss Manila!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kamukha ni Pia Wurtzbach kulelat sa Miss Manila!

Nadine at Pia

Kinabog ng coronation night ng Miss Manila 2017 ang ibang mga beauty pageant.

Erap at Jackie

Bongga ang naging presentation, (sa pangunguna ni Mayor Joseph Estrada kasama ang MARE Foundation headed by Ms. Jackie Ejercito with Viva Live), line up ng board of judges and performers.

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang tumayong chairperson of the board of judges at kasama niya sa panel of judges ang ilang ambassador, si Nadine Lustre, ang mahusay na photographer na si Raymund Isaac, Rep. Cristal Bagatsing, Sarah Lahbati at iba pang heavyweights sa industriya ng beauty and fashion.

Kaya naman talagang maligayang-maligaya ang fans. Halos tumagos sa PICC ang tilian nila.

Sina Pia at Nadine ay nagkaroon pa ng chance na magkasama sa isang frame na ikinasaya ng fans na du­magsa sa PICC Plenary Hall. Ganundin sina Pia at Sarah L.

Sarah Geronimo

Si James Reid naman ang nag-serenade sa 30 candidates sa evening gown competition. Naka-tatlong kanta ang actor na in all fairness nang lumabas siya ng stage ay naglabas si Pia ng cell phone na obviously ay bini-video si James pero ang girlfriend niyang si Nadine ay nakatingin lang.

Naging performer din si Sarah Geronimo sa last part ng coronation night. Dalawang kanta ang inihandog niya kasama ang G Force dancers na bigay na bigay. Galing sumayaw ni Sarah talaga. Iba na ang level of performance niya.

Naging host naman sina Edu Manzano and Yassi Pressman. Nakasabay ba si Yassi sa beteranong si Edu? Yup, as in. Akala natin sa aktingan at pagsayaw lang ang kayang ibuga ni Yassi, ‘di pala. Pasadung-pasado siya sa hosting.

Kaya lang sumablay ang ibang kandidata sa question and answer portion. Siguro nasobrahan ng kaba ang iba kaya kung anu-ano ang naisagot. Nagsanga-sanga. Hahaha.

Pero ang isang nakakaloka, hindi man lang nakasali kahit sa Top 15 ang kamukha ni Pia Wurtzbach na si contestant no. 1 (Glenn Krishnan). Kulang siya sa stage presence kaya hindi siya napansin. Samantalang sa presscon, napansin naman siya dahil nga naging maingay na siya sa social media.

Anyway, nanalo si contestant no. 11 na si Maria Gail Tobes. Napanood ang presention ng Miss Manila 2017 sa ABS-CBN kagabi.

 

Marian Rivera

Marian mangunguna sa opening ng Bambbi Fuentes Salon sa Tagaytay

Ngayong Monday, 3:00 p.m. ang opening ng Bambbi Fuentes Salon Tagaytay sa Ayala Mall Serin. Si Marian Rivera ang special guest at magka-cut ng ceremonial ribbon para sa pagbubukas ng salon ng celebrity make-up artist and Outstanding Salon Artist of the Philippines awardee ng Hair Asia na si Bambbi. Ang Shiseido Professional ang ka-partner niya sa bagong bubuksang salon na ang Quezon City branch ay mata­tagpuan sa Timog Avenue.

Kasama rin sa magka-cut ng ribbon ang businesswoman at kaibigan ding si Ms. Pinky Tobiano.

Si Bambbi na super favorite ni Marian ang isa sa mga pinaka-in demand na make-up artist sa bansa kaya madalas siyang nai-invite mag-lecture.

Bago si Marian, dumaan na sa kamay ni Bambbi ang maraming artista at beauty queens. Ang iba nawala at kumupas na ang ganda pero ang make-up expert, tuloy ang pagrami ng clients.

Congrats Bambbs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with