^

PSN Showbiz

Ex dyowa ni Jovit nauntog!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Winakasan na ng ka-partner ni Jovit Baldivino at ina ng kanilang anak na si Shara Chavez ang kanilang relasyon. Nakipaghiwalay na ito sa singer na sinasabi niyang hindi naging matapat sa kanya. Napatunayan niyang may ilang panahon na siya nitong niloloko, may bago na itong babaeng nagugustuhan at mas inuuna pa nitong punta­han habang naghihintay silang mag-ina sa bahay. Pero, nang kumprontahin niya si Jovit ay hindi naman ito umamin at itinanggi ang bintang niya.

Ayon pa kay Shara, malakas din daw magsugal si Jovit at maraming panahon na siya pa ang gumagastos sa pangangailangan nilang mag-ina.

Sinabi ni Shara na nasagad na ni Jovit ang pasensya niya kaya hindi na siya makikipagbalikan dito. Sinabi niyang binigyan din naman niya ang kanilang mga sarili ng pagkakataon na maayos pa ang gulo nila pero, umabot na siya sa hangganan ng kanyang pagkimkim ng kanyang nararamdaman. Kaya ipinasya niyang wakasan na lamang ito. Klinaro din ni Shara na hindi niya ito ginagawa para siya sumikat.

Janice ayaw pakialaman ang diskarte ng mga anak

Si Janice de Belen ang tipo ng magulang na napaka-liberal sa mga anak. Hindi ito nakikialam sa usaping pag-ibig ng kanyang mga anak. Lalo na si Inah de Belen na girlfriend sa kasalukuyan ni Jake Vargas. Hindi niya sila masyadong hinihigpitan lalo’t nakikita niyang maayos naman ang dalawa at maganda ang pakikitungo sa kanila ng nobyo ng anak. Wala siyang nakikitang dapat ipag-react niya ng hindi maganda kaya quiet lang siya. Ang payo lamang niya sa dalawa ay i-enjoy ang kanilang relasyon at huwag silang magmamadali.

Ngayong isa nang Kapuso si Janice ay may pagkakataon nang magkasama sila sa trabaho ni Inah. Katulad ng pagsasama nila sa isang episode ng Magpakailanman kung saan ay malayang nagampa­nan ni Inah ang kanyang role nang hindi siya pinakikialaman ng kanyang ina.  

Maski sa pagiging artista ay liberal din si Janice, hinahayaan nito ang kanyang anak na gumawa ng sarili niyang diskarte.

Marawi mas kailangan ng atensyon 

Magandang desisyon ‘yung pagtanggi na muling ganapin dito ang Miss Universe beauty pageant. We have done our part, katunayan, maganda talaga siguro ang ginawa nating paghahanda kung kaya nahikayat ang mga nasa likod ng prestihiyosong contest na gustuhing dito muli ganapin maski na sa kasagsagan ng giyera sa Mindanao, banta ng terorista at pagkakaroon ng martial law sa Mindanao din.

Enough is enough! We have done our part. ‘Yung muli nating gagastusin na malaki ay mas kailangan para sa rehabilitasyon ng Marawi. Marami ding mga gutom ang mapapakain at mga anak ng mga napatay na sundalo na mabibigyan ng edukasyon. Unahin na muna natin ang ating bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with