^

PSN Showbiz

Heart adik sa bagong project!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Isang babae na adik sa Korean novela at K-pop culture na rin siguro ang role na ginagampanan ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya base sa mga videos na lumabas sa social media. Ang cute ni Heart sa ayos niyang ginaya ang mga Koreana.

Rom-com series ang My Korean Jagiya pero hindi kami sigurado kung original concept ba ito ng GMA 7 o adaptation. Pero nang mag-Google kami, may ganu’ng title ng TV show sa Japan, pero game show ang nakalagay.

Hindi mahihirapan si Heart kung may mga tanong siya sa Korean novela dahil bukod sa creative staff, si Janice de Belen na kasama niya sa cast ang puwede niyang tanungin. Ang daming alam ni Janice sa Korean drama at kilala halos ang sikat na Korean actors.

Sayang at hindi kasama sa cast si Glaiza de Castro na gaya ni Janice, love rin ang everything about Koreans, lalo na ang K-pop.

Anyway, pang-primetime ang My Korean Jagiya sa direction ni Mark Reyes. Pahulaan kung ito ang ipapalit sa My Love From The Star o I Heart Davao na parehong two months lang ang airing.

May mga nagulat pa pala kung bakit pinatay ang karakter ni Heart sa Mulawin vs. Ravena at may nagagalit pa sa network. Ang My Korean Jagiya ang rason dahil hindi puwede na sa dalawang primetime shows mapapanood si Heart.

Kaya bubuwagin na magka-love team nagpapagalingan!

Kasalanan na pala ang maging magaling na artista? Reaction ito ng press people nang malaman ang isa sa mga rason kung bakit galit ang kampo ng isang aktres sa aktor na nakasama sa isang show. Sabi raw ng kampo ng aktres, ginalingan ng aktor ang acting, kaya may mga eksenang mas napapansin siya kesa sa aktres.

Kapag naman hindi ginalingan ng aktor ang pag-arte, ang director naman ang magagalit sa kanya at siguradong magte-take two ang eksena. Pati ang viewers makukulangan sa acting ng aktor at mapipintasan siya.

In fairness, lahat ng kasama sa show binigyan ng highlight, lalo na ang aktres. Hindi lang naiwasang mas napansin ang husay ng aktor, kaya dumami ang fans nito at mas marami ang sumisigaw sa kanya sa mall shows nila.

Siguradong marami pang rason kung bakit galit ang kampo ng aktres sa aktor at nakakalungkot dahil tiyak na makakaapekto ito sa friendship ng aktor at sa kanilang trabaho. Para maiwasan ang gulo, hindi malayong gustuhin ng dalawa na putulin na ang pagiging magka-love team nila at magkanya-kanya na.

Sayang dahil maraming fans ang dalawa na malulungkot ‘pag hindi na sila nagtambal. Pero kung ang kapalit nito ay kapayapaan at iwas stress, mas magandang ngayon pa lang, buwagin na ang love team ng dalawa.

Rich ayaw ng divorce

Hindi matutuloy this year ang plano nina Rich Asuncion at fiancé niyang si Benj Mudie na magpakasal dahil pauunahin nilang magpakasal ang sister ni Rich. Sa December na sana ang balak ng engaged couple na magpakasal, pero nabago ‘yun dahil sa December din ikakasal ang sister ni Rich.

Ang sabi na lang nito, hindi sila nagmamadali ni Benj. Gusto ni Rich na ang civil wedding nila ay sa ibang bansa para madala niya ang kanyang parents. Ang church wedding ay sa kanila, sa Bohol para walang divorce.

Nakaka-focus si Rich sa taping ng Ika-6 Na Utos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with