^

PSN Showbiz

Piolo pinagpapahinga si Inigo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Piolo Pascual para sa tagumpay na nakamit ng anak na si Inigo Pascual. Kamakailan ay nanguna sa chart ng Billboard Philippines ang kanta ni Inigo na Dahil Sa ‘Yo.

“I’m so happy, grabe! This kind of milestone, it’s going to go down the history books of the music industry,” bungad ni Piolo.

Ayon sa aktor ay talagang masipag ang anak at kung minsan ay napagsasabihan niya si Inigo na magpahinga muna. “Sometimes I tell him, ‘You work too much, you work too hard. Sometimes you need to rest. Sabi niya, ‘How can I achieve the kind, level of success that you’ve reached if I don’t work hard?’ Sabi ko, ‘But you’ve got to love yourself more. You’ve got to rest,’” kwento ng aktor.

Si Piolo ang unang pinagsabihan ni Inigo tungkol sa magandang balita. “My son messaged me right away and said, ‘Is it okay to cry?’ ‘Yeah! Dude, you have to bask in it. It’s not something you asked for and it’s not out of votation.’ So talagang sobra siyang legit. Ang sabi ko sa kanya, ‘This is going to be good for you. I hope it encourages you to just make more music. I’m his biggest fan and I’m really happy it’s going to go down in history,” pagtatapos ni Piolo.

Jolo interesado kay Coco

Kung may pagkakataon ay gusto na raw bumalik ni Jolo Revilla sa pag-aartista. Aminado ang binata na gusto niya ang teleseryeng FPJ’s Ang Probin­syano at kung papalarin ay gusto niyang mapabilang dito.

“Kung uukol, bubukol. I’m not closing any doors pero ngayon ang priority natin is public service pero sa ngayon wala pa,” pahayag ni Jolo.

Para sa actor-politician ay si Jodi Sta. Maria pa rin ang pinakamalapit na babae sa kanyang puso. Ikinatuwa ni Jolo ang ginawang pagpapatuloy sa pag-aaral ng aktres.

“Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na din niya ‘yung pangarap niya na maging isang duktor dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology. So I’m very happy for her,” giit ni Jolo.

Sobrang hinahangaan din ni Jolo si Jodi dahil nakakayang pagsabayin ng aktres ang trabaho at pag-aaral. “Nakita naman natin na sunud-sunod (ang projects), kumbaga binigyan din siya ng priority ng school dahil may home study din ‘yung paaralan na ‘yon. Kaya nag-grab lang din siya ng opportunity na ‘yon and tingin ko naka-focus pa din naman siya sa showbiz. Kumbaga do’n sa mga libre niyang oras sinasama niya ang pag-aaral,” paliwanag ni Jolo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with