^

PSN Showbiz

James at Nadine nagkasal-kasalan na! Andrea hindi na ka-kwadra sina Marian at Maine

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi pa plantsado ang Tagalog ni James Reid. Kailangan niya ng practice. Napanood si James sa It’s Showtine kahapon kung saan may kasal-kasalan production number sila ni Nadine Lustre.

SCENE: Nag-aalburoto ang fans ni Ivan Dorschner, Jak Roberto at Addy Raj dahil ang karakter ni Ken Chan ang pinili ni Barbie Forteza sa farewell episode noong Biyernes ng Meant to Be ng GMA 7.

SEEN: Ang balita na hindi na talent si Andrea Torres ng Triple A, ang talent management agency na namamahala rin sa showbiz career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

SCENE: Kahapon ang 34th birthday ni John Lloyd Cruz at magandang birthday gift ang mga papuri sa pagganap niya sa La Luna Sangre at ang impressive pilot week nito.

SEEN: Ang pangit na lighting sa Music Museum ang reklamo ng mga photographer kaya walang matino sa mga litrato na kuha nila sa Grand Fans Day ng GMA Artist Center noong Biyernes.

SCENE: Nahuli sa kamera ang reaksyon ni Alden Richards nang may magsenyas sa kanya na akbayan si Maine Mendoza sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga na ginawa niya at nagpakilig sa fans.

SEEN: Ang walang kabuhay-buhay na pag-arte ni Tanner Mata bilang young foreigner fiancé ni Pokwang sa Ang Probinsyano. Nagpaalam na ang karakter ni Pokwang sa teleserye ni Coco Martin dahil sa kanyang maselan na pagbubuntis.

SCENE: Star-studded ang magkasunod na araw na pagbubukas ng branches ng Paper Moon at Botejyu sa Robinson’s Galleria noong nakaraang linggo. Ang Paper Moon at Botejyu ang mga restaurant business ng Viva Group of Companies.

SEEN: Spotted kahapon sa domestic airport sina Richard Yap, Jake Cuenca at Coco Martin na pare-parehong Cebu bound dahil sa mga show na tinanggap nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with