^

PSN Showbiz

Magaling na singer nalimas ng karelasyon ang mga naipon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nganga raw ngayon ang isang magaling na performer kaya kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang kukote. Hindi raw kasi niya akalain na ilang taon siyang nagtrabaho pero hindi niya naman pinakinabangan ang kanyang mga pinaghirapan.

Ayon sa kampo ng performer ay nawalang parang bula ang kanyang mga naipundar. Wala na rin daw siyang naiipon ngayon na kung saan napunta ay hindi rin niya alam.

Hanap daw nang hanap ang magaling na performer kung saan napunta ang kanyang pera, pero wala siyang mahanap na malinaw na sagot, kaya nilulukuban siya nang matin­ding depresyon ngayon.

Kuwento ng aming source, “Sobra kasi siyang matiwala. Todo-pasa lang siya. Hindi siya matanong, hindi siya nag-iipon ng mga resibo, kaya siya nagkakaganyan ngayon. Kahit milyunan na ang inilalabas niya, e, wala kang maririnig na pagtatanong sa kanya.

“Kaya ngayong nagtataka siya kung saan napunta ang pera niya, e, wala siyang makitang sagot. Meron ba siyang hawak na mga resibo? Waley! Labas lang siya nang labas ng datung!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Hindi lang ang huling pakikipagrelasyon ng magaling na performer ang tinutukoy ng source. Marami na palang mas naunang karelasyon ang performer bago ang pinakahuli niyang pakikipaghiwalay.

“Kahit nu’n, hindi siya matanong. Kahit ang talent fee nga niya, wala siyang pakialam. Basta, kakanta lang siya, magpe-perform, ‘yun lang ang alam niya.

“Pero ‘yung busisiin niya ang bank book niya kung magkano na ang laman at naiipon niya? Waley! Hindi talaga siya makuwenta. Kaya ayan, ngayong nangangailangan na siya, nganga ang drama niya.

“Sana, sa susunod niyang pakikipagrelasyon, e, mag-ingat na siya. Hindi niya naman pinupulot lang ang pera, pinaghihirapan niya ‘yun, pagod na pagod siya bago makahawak ng malaking halaga!

“Magpalit man siya ng name araw-araw ngayon, e, hindi na niya makikita ang mga nawala sa kanya, promise,” pagtatapos ng aming source.

Jake at Andi pinaligaya ang anak

Kapakanan ng kanilang anak na si Ellie ang naging dahilan ng pagkakasundo nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann nang magkita sila sa korte nu’ng nakaraang June 22.

Pansamantala nilang kinalimutan ang mga personal nilang saloobin, hindi sila nagsumbatan, dahil ang kinabukasan ni Ellie ang kanilang tinutukan. Maayos na tumakbo ang hearing. Nagkasundo sila sa maraming bagay.

At ‘yun ay ginawa nina Jake at Andi para sa ikabubuti ng buhay at kinabukasan ng kanilang anak na si Ellie na wala namang kasalanan kung tutuusin sa mga kaguluhang nagaganap sa pagitan nila.

At siguro’y kasama na rin sa kanilang pagkakasundo ang pangako na kung meron man silang hindi pagkakaunawaan ay reresolbahan na lang nila ‘yun sa pag-uusap at hindi na nila ipararating pa sa publiko sa pamamagitan ng social media ang kung anuman.

Nasa wastong edad na sina Jake at Andi, alam na nila kung ano ang makabubuti para sa kanilang anak at hindi, puwede naman silang maging magkaibigan na lang na nagmamalasakit sa kanilang anak.

May gag order ang magkabilang kampo. Maging ang kanilang mga abogado ay hindi maaaring maglabas ng mga detalyeng pinagkasunduan nila sa harap ng husgado.

Ilang beses na naming nakakausap si Attorney Ferdinand Topacio pero puro tawa lang ang isinasagot nito sa aming mga pang-uusisa. Hindi raw puwede. Kailangan daw nitong sundin ang gag order.

Maganda kung ganu’n. Hindi bale nang mga sources na labas sa kampo nina Jake at Andi ang magkuwento huwag lang sila mismo.

Ang mahalaga ay pinakamaligayang bata sa mundo ngayon si Ellie dahil sa pagkakasundo ng kanyang mga magulang. At kahit kailan ay palaging maganda ang pagbibigay ng solusyon sa problema nang paupo kesa sa patayo.

At napakahalaga ng komunikasyon, ‘yun ang tulay na nagdudugtong sa mga puso at utak na hindi nagkakaintindihan, sa totoo lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with