^

PSN Showbiz

Anne may ibang target na Korean actor

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sigurado naman na kung talagang may maga­gawang paraan ang Viva Films ay ang Korean actor na si Gong Yoo ng hit movie na Train to Busan at kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN na Goblin ang kukunin nila para itambal kay Anne Curtis sa isang pelikula.

Sino pa bang Korean actor ang sinasabi ni Boss Vic del Rosario na maaari nilang gawing leading man ng pinakasikat na talent ng Viva bukod kay Gong Yoo kung hindi si Lee Min Ho na nasa Army ngayon o kaya ay ang gumanap na pangunahing role na kamahalan sa Love in the Moonlight na si Park Bo Gum.

Kung mabigo ang Viva na makuha ang serbisyo ng sinuman sa mga nabanggit, ‘yung makukuha lamang nila para maging leading man ni Anne ang susunod na sisikat pa rito sa bansa. Maraming mapagpipilian gaya ng tatlong iba pang kasama ni Lee Min Ho sa Boys Over Flowers na sina Kim Hyun Joong, Kim Bum, at Kim Joon.

Nariyan pa rin sina Rain, Jung Yong Hwa, Kim Soo Hyun at marami pang iba.

Meron pang dalawa, sina Song Joong Ki at So Ji-sub na makikilala lamang locally at sisikat din kapag naipalabas na ang pelikula nilang The Battleship Island na Viva rin ang mamamahagi.

Ronnie nasasapawan na?!

Nag-aalala ang fans ni Ronnie Alonte na baka ang biglang pagbaliktad ng karakter na ginagampa­nan ni Jameson Blake sa A Love To Last ay isang pahapyaw na mas lalaki na ang role nito kay Ronnie at masusungkit na finally ang puso ng pinag-aagawan nilang babae na si Julia Barretto.

Kontrabida dati ang role ni Jame­son na ang karak­   ter ay biglang bumait at binibigyan na ng parehas na laban ang cha­racter ni Ronnie. Hinihina­la tuloy ng mga manonood na lala­kihan ang role ng tat­long ka­bataang artis­ta na dati ay suporta lamang nina Ian Ve­ne­racion at Bea Alonzo. Bentahe ni Jameson ang pagkakapanalo ng isang acting award sa isa sa mga unang pelikula na ginawa niya, ang 2 Cool 2 Be 4gotten.

Lauren may kakaibang closeness sa mga katrabaho

Kung gaano sila kaseryoso sa Legally Blind, kabaliktaran naman ang kulit na nakikita ng netizens sa kanila sa social media. Patok kasi ngayon ang post ni Lauren Young sa social media showing her co-stars in the series. Kasama niya rito sina Janine Gutierrez, Mikael Daez, Rodjun Cruz, Marc Abaya, Ashley Rivera, and its director Ricky Davao.

Squad goals nila ang post na ito ni Lauren dahil daw tunay ang friendship na meron sila.

Empress balik-akting sa MMK

Masasaksihan mamayang gabi ang pagbabalik sa TV ni Empress Schuck, sa MMK, matapos niyang makapagsilang ng kanyang anak. Mapapasabak siya sa aktingan kay Ketchup Eusebio na ibibigay ang isa sa greatest performan­ces niya bilang artista. Gagampanan niya ang role ni George, isang tindero ng gulay na naghahanap-buhay sakay ng kanyang ipinasadyang tricycle.

Isinilang siyang normal pero nagkasakit nang malubha noong bata na nag­resulta sa pagka-pa­ralisa ng kalahati ng kanyang ka­ta­wan. May asawa’t anak si George na itinatawid niya sa pagtitinda.

Sa kabila ng kanyang kalaga­yan ay dalawang ulit siyang nabiktima ng pagnanakaw sa bahay. Pero nananatiling isang good provider si George sa kanyang pamilya at isang mabuting anak ng Diyos sa kanyang lugar.

Si Dado Lumibao ang direktor ng episode na nagtatampok din kina Allan Paule, Alicia Alonzo, Marco Masa, at Crispin Pineda. Mula sa panulat ni Joan Habana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with